^

Pang Movies

Ate Vi, nakaka-relate sa Metro Manila mayors

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, nakaka-relate sa Metro Manila mayors
Ate Vi

“Alam mo, naiintindihan ko ang mga mayor ng Metro Manila. Kung iisipin mo marami sa kanila may connection sa showbiz. Si Mayor Isko (Moreno) artista talaga. Si Mayor Joy (Belmonte) hindi artista pero mayroon siyang Quezon City Film Festival, at iyong vice mayor niya anak ni Tito Sen (Sotto) na artista rin. Si Mayor Vico (Sotto) ang tatay niya artista at consistent topgrosser sa MMFF. Kung iisipin mo iyan na ang pinaka-film industry friendly sa mga mayor.

“Pero tama rin sila eh. Ako kasi naging mayor din ako at alam ko ang responsibilidad. Kailangan mo kasing i-anticipate kung ano ang dapat na mangyari. Kaya hindi ko sila masisisi sa desisyon nilang panatilihin ang Metro Manila sa GCQ, huwag payagan ang mga bata sa malls, at manatiling nakasara ang mga sinehan.

“Masakit iyan para sa industriya, dahil alam nating tagilid ang MMFF kung walang sinehan. Ang sinasabi nga ng ilan hindi lang tagilid kung hindi taob daw. Pero wala tayong magagawa eh. Mayroon na raw bakuna pero dumarami pa ang kaso ng COVID. Naiintindihan ko iyong sinasabi nilang kung pagbibigyan ang kahilingan ng industriya, baka mas malaking problema pa ang dumating dahil sa pandemya,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos.

“Pero naniniwala akong sa line-up naman ng mga pelikula kahit na papaano kikita iyan kahit na nga sa internet lang ang outlet nila,” dagdag pa ni Ate Vi.

Nauna riyan, sinasabi ng mga nasa MMFF na sisikapin nilang kausapin ang mga Metro Mayor para payagang magbukas ang mga sinehan kahit na sa festival lamang. Pero mayroon pang isang question, magbubukas ba naman ang mga sinehan kung ang papayagan lamang na manood ay 30 percent ng kanilang capacity? Baka lumabas na lugi pa sila sa ganoong sitwasyon.

Kaya siguro tiis-tiis na lang muna at tanggapin na nating iba na nga ang panahon ngayon at kung tumaob man ang MMFF, alam naman natin kung bakit.

Eddie Garcia bill, kailangan pa sa lock-in taping at shooting

Nakalusot na ang Eddie Garcia bill sa House, pero kailangan pang may aprubahang parallel bill ang senado para iyan ay maging isang batas. Ang hindi natin alam, kung gaano nga ba kabilis na iyan ay matatalakay ng senado dahil hindi naman ‘yan kabilang sa “priority bills.” Hindi natin maikakaila na napakaraming problema ng bansa, tagilid ang ekonomiya, lubog pa tayo sa utang. Natural ang magiging priority nila ay mga batas na may kinalaman sa pagbangon ng ekonomiya.

Pero siguro dapat na itulak iyan ng Department of Labor and Employment, kasi malaking bagay iyan para sa mga manggagawa, at kung masusunod ang lahat ng safety measures sa batas na iyan, maiiwasan pati ang pagkalat ng sakit.

Tingnan ninyo ngayon, nababalitang kahit na may swab test nagkakahawaan sa shooting ng pelikula. Matindi rin ang COVID scare sa nga taping ng mga teleserye, dahil lock in nga sila.

Sana maipasa na iyan  sa senado para makatulong naman sa pag-iingat hindi lang sa mga aksidente kundi sa COVID na rin.

Aktor namamansin sa halagang P20K

Matapos ang magandang resulta rin naman ng kanyang huling proyekto sa internet, mukhang didispatsahin pa rin ng kanyang producers ang isang male star. May suspetsa kami kung ano ang dahilan, pero suspetsa lang iyon. Ang narinig kasi namin “maarte at suplado” raw ang male star. May narinig din kaming tsismis na “hindi niya kasi pinansin ang advances ng isang gay director, at maging ng isang female executive na interesado sa kanya” kaya nga siguro kumuha sila ng “maaa­ring makapansin sa kanila. ”

“Ay oo naman, mapapansin sila ng kinuha nila. Kasi talaga namang common knowledge na basta may P20K kang ibibigay sa kanya, kahit na sino ka pa, papansinin ka noon at sasama na sa iyo,” ang tsismis naman sa amin ng isang talent manager.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with