^

Pang Movies

Jay-R naghahabol sa views ng kanta?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

May himutok ang singer na si Jay-R Siaboc dahil aniya ay hindi pa niya nakukuha ang premyo niya sa Pinoy Dream Academy Season 1.

Ang nasabing reality show ay umere sa ABS-CBN noong 2006 kung saan ay si Yeng Constantino ang tinanghal na grand winner habang si Jay-R naman ang first runner-up. Si Ronnie Liang naman ang second runner-up.

Sa Facebook post ni Jay-R last Friday, he revealed na up to now ay hindi pa raw ibinibigay sa kanya ang premyo niyang condominium unit at food franchise.

Matapos ang ilang oras ay muling nag-post si Jay-R at  klinarong hindi niya gustong maka-offend. Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga basher na nag-react nang hindi maganda.

“Gusto q lng po klarohin yung post q kanina, WLA po akong intension na mkasakit or mka offend ng kahit sino, simple lng po gusto q Nagbabakasakali lng po aq. Dun sa mga nag salita/react ng hindi maganda dun sa post q pakiusap lng po mag research muna kayo bago po kayo manghusga, wag tau magsalita kung WLA tau masyado alam. Salamat Po,” post ni Jay-R.

Bukod dito ay may hugot din ang singer tungkol sa kanyang kantang Hiling na umaabot na sa 25 million ang views sa YouTube channel ng Wish 107.5.

“Mas maganda Sana Kung may kasama cheque hehe, para nman ma experience q din kumita sa kanta q. Salamat sa patuloy na supporta!!!” ang caption niya sa post niya kung saan ay kino-congratulate siya sa 25M views ng kanta niyang Hiling.

Well, hindi namin alam kung ano talaga ang totoo sa sinasabi niyang hindi pa niya nakukuha ang premyo niya sa PDA. In 2018 ay may interview siya kung saan ay sinabi niya na niloko siya ng dating manager at kinuha ang lahat ng pera niya kasama na ang napanalunang condo unit.

So, ano talaga ang totoo?

JAY-R SIABOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with