Asked how she feels over the selection of the Film Academy of the Philippines (FAP) na maging entry ng Pilipinas sa Oscars in April next year ang pelikulang Mindanao, Judy Ann Santos, sounding overwhelmed, replied: “Honored.
“Actually, not just for me but for my co-stars sa movie, the production staff, but most of all, for our director (Brillante Mendoza).”
The film has already won for Judy Ann a best actress trophy in last year’s Metro Manila Filmfest. For her leading man, Allen Dizon, best actor.
And for direk Brillante, best director.
Likewise for Mindanao as well, both she and direk Brillante have already been proclaimed best actress plus the The Henry Barakat Best Artistic Contribution Award for best artistic contribution, sa 41st Cairo International Filmfest in Egypt.
‘Nga pala, sa 45th MMFF last year, napanalunan din ng Mindanao ang award for best picture.
Sayang nga lang at lately, hindi natin napapanood both sa big screen at sa TV si Judy Ann.
For a reason na alam nating lahat.
Kaya, malaking bagay na may hinu-host siyang show sa Kapamilya, Paano Kita Mapasasalamatan?
Beauty,bibitbitin ang anak sa taping
Unlike in the past daw, ayon kay Beauty Gonzalez, when her now three-year old daughter, Olivia, would cry everytime napapanood siya nito sa TV, ngayon daw, behaved na ito.
Pero, matagal daw na paliwanagan ang namagitan sa kanilang mag-ina, para ma-convince ang bata na “acting” lang ang pag-iyak niya sa TV.
Kaya, balak nga raw na dalhin niya ito sa taping for her new show sa TV5, I Got You, where for her co-stars she has RK Bagatsing at Jane Oineza. Direction: Dan Villegas.
For those interested at hindi pa nakakaalam kung sino ang ama ng anak ni Beauty na si Olivia, siya ang ang kilalang art connoisseur na si Norman Crisologo.
Beauty has another upcoming series, a TV special titled Paano Ang Pasko?
Yes, paano nga raw ang Pasko ngayong panahon ng pandemic, naitanong daw madalas lately ni Beauty sa sarili, dahil itinatanong din daw ni Olivia sa kanya.
Kung sabagay, three weeks na lang nga at Pasko na.
Paano Ang Pasko excites her daw, ani Beauty, considering na ang gagaling ng mga artistang kasama niya. Fifty-year old Maricel Laxa plays her mom. Mga kapatid niya sina Julia Clarete at Devon Seron.
At heto pa, tatlo ang direktor ng series na pawang magagaling din: Ricky Davao, Perci Intalan at Eric Quizon.
Ang produksyong IdeaFirst, na pag-aari nina Perci at direk Jun Lana ang producer ng Paano… which direk Jun conceptualized and wrote the story, too.
Ritz, walang problema ang Pasko
Dalawa ang film entries ni Ritz Azul sa MMFF 2020.
Ito’y The Missing, a horror flick, where co-stars niya sina Miles Ocampo at Joseph Marco, at Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim, where Vhong Navarro is topbilled in the title role.
May show din siya sa TV5, Sunday Kada.
So, sa tanong na Paano ang Pasko?, obvious na ang isasagot ni Ritz, “No problem.”