K-pop cover ng Tala, kinaaliwan
Napakinggan namin ang cover ng isang bagong K-pop all-female trio ng super hit song ni Sarah Geronimo na Tala. Ang gandang pakinggan ng Korean group. Dahil ang Tala ay naging “thala, thala” at ang “Mata” ay naging “mhata.” Aliw!
Sabi, ang Purple Kiss ang nag-cover ng Tala ni Sarah, kaya lang, seven ang members ng Purple Kiss at tatlo lang itong nag-cover ng hit song na aliw pakinggan. Kasama ang song ni Sarah sa song nina Adele at Arianna Grande na kinover ng K-pop group.
Speaking of Sarah, tinawag siyang “greatest vocalist in the Philippines” ng 1theK, na isa raw digital distribution channel owned by LOEN Entertainment. Masayang-masaya ang supporters ni Sarah na pati sa bansa ng K-pop, kinikilala ang husay niya.
Still on Sarah, tanong ng fans kung gagawa ito ng pelikula to be directed by JP Laxamana? May pinost kasi si direk JP na parang poster ng isang pelikula at nakasulat ang pangalan ni Sarah sa taas. Hindi nga lang sinagot ng director ang tanong ng netizens kung ididirehe niya ang misis ni Matteo Guidicelli sa pelikula.
Paglundag ni Bea, minasama ng fans
May Kapamilya fans na hindi natuwa sa pag-alis ni Bea Alonzo sa Star Magic at paglipat sa management ni Shirley Kuan. Kahit nabasa nila ang statement ng ABS-CBN na maayos ang pag-alis nito sa Star Magic, nagtatampo pa rin sila.
May tumawag kay Bea na “laos” na alam nating hindi totoo. May nag-comment pa na kung kailan kailangan sila ng ABS-CBN na nagpasikat sa kanila, saka pa niya naisip na lumipat ng management.
Sana raw, sa iba na lang ibinigay ng ABS-CBN ang atensyon at pagbi-build up sa kanya.
Sabi naman ni Shirley, smooth ang transition mula sa pag-alis ni Bea sa Star Magic at paglipat sa management niya. Makakasama na ni Bea sa management ni Shirley si Albert Martinez.
Ruby, ‘di na pinabalik sa EB
Nakabalik na pala ng bansa si Ruby Rodriguez and in fact, nagti-taping na ito ng bagong series ng GMA 7 na Owe My Love. Nagulat na lang ang netizens nang makita ang mga litrato sa taping ng show kasama si Ruby.
Nagtataka ang netizens kung ganyang nasa bansa na si Ruby, bakit hindi pa ito bumabalik sa
Eat Bulaga. Naalala tuloy nila ang sagot nito sa isang netizen na nagtanong kung kailan siya babalik sa noontime show at ang naging sagot ay ang EB ang tanungin.
Sabagay, hindi lang naman si Ruby ang hindi pa bumabalik sa EB dahil hindi pa rin napapanood sina Allan K, Jimmy Santos na parehong senior citizens at ang bagets na si Baste. Si Ryzza Mae Dizon, paminsan-minsan lumalabas via Zoom, pero ang tatlo ay hindi pa bumalik.
Sa post ni Ruby na she adores her #owemylove family, nag-comment ng heart emojis si Pauleen Luna na sinagot ni Ruby ng “hamishu.” Si Paolo Ballesteros na nag-comment din ng heart emojis, hindi na sinagot ni Ruby.
Anyway, may kapalit na si Mystica sa role na iniwan niya sa Owe My Love at ito’y walang iba kundi si Patani na nadiskubre sa Survivor Philippines.
Heart, pinalitan na si Maja
Na-realize ni Heart Evangelista na miss na niya ang umarte nang i-replay ng GMA 7 ang rom-com series niyang My Korean Jagiya. Comment nito sa isa niyang tweet, “wow how I miss acting” at sabi sa isa pang tweet, “ang saya parang kahapon lang. nakalimutan ko na umarte.”
Bagay kay Heart ang project at swak din siya sa role ni Gia at wish ng kanyang fans, mabigyan uli siya ng Kapuso network ng ganu’ng klase ng project at ganu’ng mga tipo ng role.
Anyway, sunud-sunod ang endorsement ni Heart at ang latest, siya ang endorser ng RLC Residences. Hindi lang malinaw kung pinalitan na niya si Maja Salvador na endorser din ng RLC Residences o silang dalawa na ang mga endorser.
- Latest