Kim, sinaktan ang sarili bilang celebration sa 2M subs
Sa kanyang latest YouTube vlog ay sinagot ni Kim Chiu ang mean comments ng fans na matatandaang unang ginawa ng kanyang boyfriend na si Xian Lim last week.
Ayon kay Kim, marami raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawin ito at celebration na rin daw dahil naka-2 million subscribers na ang kanyang YouTube channel.
“In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages or hate comments,” aniya. “Kasi wala lang, gusto ko lang saktan ‘yung self ko ng very little.”
Siyempre, isa sa sinagot niya ay ang parating sinasabi sa kanya ng mga tao na tanga siya na nagsimula nga sa “classroom statement” niya noon.
“Grabe naman maka-tanga. Naka-graduate naman ako, ah. Saka naka-graduate ako with honors, saka name-memorize ko ‘yung lines ko, and ‘yung dance ko, and ‘yung song,” sey ni Kim sa malambing na tono.
Dagdag pa niya, “wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang. ‘Di ba? Saka ‘yung mga pagkakamali na ‘yun, it will help you grow. It will thicken your character in life, it will make you strong. ‘Yung mga pagkakamali natin, kaya tayo binigyan ng mga pagkamamali para matuto tayo. So, huwag tanga agad.”
Sinagot din niya ang comment na duwag daw ang mga artistang tine-turn off ang comment section sa social media. Of course, this is pertaining to her dahil may time talaga na ginagawa niya rin ito.
“Grabe, hindi ba puwedeng gusto ko lang mag-share ng ginagawa ko or gusto ko lang maka-inspire ng mga tao sa ginagawa ko? And gusto ko lang ikuwento ‘yung mga ginagawa ko.
“Parang ganu’n lang naman siguro ‘yung mundo ng social media. Gusto nating mag-share ng kung ano ‘yung gusto nating i-share sa mga tao. Hindi naman lahat sine-share natin.
“So kaming mga celebrities, natutuwa kami na i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi n’yo nakikita on cam. So with the use of Instagram, Twitter, YouTube, lalo na ang YouTube.
“Dito n’yo nakikita ang totoong kami. And kung i-turn off man namin ‘yung comment section namin. ‘yun ay tao rin naman kami,” mahabang paliwanag ni Kim.
Minsan daw ay nagiging dahilan pa ito para mag-away-away ang fans.
“’Yung mga mahal ka at hindi ka mahal, pinag-aaway-away mo dahil du’n sa comment box. Ikaw pa ‘yung nagla-light ng fire para mag-away-away ang mga tao. So, might as well, patayin mo na lang ‘yung comment box,” sey ni Kim.
- Latest