^

Pang Movies

Wala na ring mailabas na bago... John Lloyd, na-realize na maiksi ang buhay kaya namahinga!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Wala na ring mailabas na bago... John Lloyd, na-realize na maiksi ang buhay kaya namahinga!
John Lloyd

Finally ay nagsalita na si John Lloyd Cruz kung bakit niya siya nagdesisyong lisanin pansamantala ang showbiz three years ago. Sa kanyang panayam sa digital show ni Boy Abunda na The Best Talk sa Kumu, sinabi ng aktor na kinailangan niya itong gawin noong panahong iyon.

“Parang kailangan na rin munang huminto at magnilay-nilay. Parang kailangan nang medyo dumistansiya,” he said.

“Para malagyan mo ulit, kailangan munang ubusin, something like that,” paliwanag pa ni Lloydie.

Tinanong ni Kuya Boy kung napagod ba siya that time at sey ng aktor, “parang hindi naman siya istorya ng pagod.”

Paliwanag niya, “kasi at one point, you realize na sobrang igsi pala ng buhay. So, gusto mo lang, somehow, mabigyan din kahit papaano ng halaga, atensyon ‘yung mga bagay na… hindi mo pwedeng ikaila ‘yung… ‘di ba? Parang hindi mo siya made-deny, eh. Parang kailangan mo siyang gawin.

“Otherwise, parang tingin ko, ayoko namang tatanda nang nagtataka ako, ‘paano kung sinubukan ko?’ Hindi lang ‘what ifs,’ parang ‘pag nabigyan ka ng opportunity to experience somehow the knowledge of wisdom, parang irreversible na siya, parang hindi na siya… parang andu’n na siya. Parang ‘pag alam mo na ito ‘yung dapat mong gawin, ito ‘yung alam mong tama na gawin mo, parang lolokohin mo na lang ang sarili mo kung ide-deny mo ‘yung sarili mo na magawa ‘yung gusto mong gawin.”

Aminado siyang hanggang ngayon ay mahirap intindihin ang nangyari sa kanya for the past five years.

“Tingin ko, marami pa ring sinasabi ang mga lumilipas na sandali kaya mas masarap ‘yun kung magmasid na lang, makinig at huwag na lang munang magsalita about it. Interesting kung ganu’n, eh,” he said.

Para sa aktor, nawalan man daw siya ng trabaho ay naging enriching naman daw sa kanya ang karanasan ng mga panahong wala siya sa showbiz.

“Nawalan man ako ng trabaho, ang dami ring na-gain, huminto man ako nang matagal. Pero hindi naman ako tumitigil ng paggawa (ng proyekto), kahit panaka-naka, gumagawa. Binibigyan ako ng magagawa ng mga kaibigan.

“So, ‘yung mga panahon na ‘yun, enriching din naman.”

When asked kung ano ang kanyang state of mind ngayon at kung masaya ba siya, ayon sa aktor ay wala siyang kasing-saya because of his child, si Elias na anak nila ni Ellen Adarna.

“Wala na yatang mas liligaya pa kapag mayroon kang maliit na anak, na two years old na, ang kulit na… wala na. Parang ang lupet! My little savior,” sey ni Lloydie tungkol sa anak.

Vice, nangakong hindi ibubulsa ang mga donasyon

Umabot sa P1,548,029.09 ang halaga ng nalikom na donasyon ni Vice Ganda para sa kanyang inilunsad na charity drive upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses. “Thank you madlang people sa mga nakiisa sa ating Fundkabogable donation drive na nakalikom na ng total of P1,548,029.09. Isa at kalahating miyon ang naging halaga nu’ng pinagsama-sama ang mga donasyon niyo mga madlang people, little ponies ko, babies ko, supporters, family, friends, followers. Maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime.

“Pera niyo po ‘yan, hindi po sa akin ‘yan. Idinadaan niyo lang po para ako ang maghatid sa kanila. Kaya congratulations, mabuhay kayong lahat,” dagdag pa ng TV host.

Ipinaalam din ni Vice na kahit sarado na ang proyekto ay may nagpapadala pa rin via GCash kaya naman dadalhin na lang daw ang mga natirang pera sa Sagip Kapamilya. Nilinaw niyang hindi raw niya i-scam-in ang pera.

“Alam mo nag-close na kami kagabi ng 12 midnight pero may nagpapadala pa rin hanggang kanina may nakikita kaming dumarating pa rin. Kaya sabi ko paano ‘yon iko-close, ‘di pala nako-close ang GCash.

“Kaya sabi namin pagkatapos namin ng drive, ‘yung matitira ididiretso namin sa Sagip Kapamilya.

 “Huwag kayong mag-aalala wala pong matitira sa akin, ‘di ko po gagamitin ‘yan. Kung kilala niyo akong tao ‘di ko kayo i-scam-in. Kaya makakaasa po kayo na makakadiretso po ‘yan sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong at donasyon,” sey ni Vice.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap pa ng pamba-bash si Vice Ganda dahil sa ginagawa niyang paglikom ng pera. Komento ng mga netizens, dapat daw ay sarili niyang pera ang itinutulong niya tulad ng ginagawa nina Willie Revillame, KC Concepcion, Heart Evangelista atbp. na nagbebenta ng kanilang gamit. Sinagot naman ito ng TV host na may sarili rin siyang donasyon na ibibigay.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with