MANILA, Philippines — Inggit na inggit na ang mga kalalakihang katrabaho nitong si male celebrity sa mga magagandang girls na nali-link sa kanya.
Kamakailan lang ay napapag-usapang break na sila ng sexy actress na kinahuhumalingan ng karamihang kalalakihan.
Iyon din daw ang sinasabi ni sexy actress sa mga taong malapit sa kanya na matagal na silang break nitong si male celebrity.
Kaya ang kasunod na eksena, nagulat na lang ang mga katrabaho ni male celebrity nang makita nilang may bagong ka-date na naman ito na napakaganda at seksing girl.
Pero kamakailan lang, nagmi-meeting ang mga kagrupo ni male celebrity, tinawagan siya na kung puwede sumunod doon sa meeting dahil may importanteng pag-uusapan.
Pero hindi sila mapagbigyan ni male celebrity dahil kasama pala niya noong oras na iyon si seksing aktres. Sila na naman uli?
Pinipilit ng mga kagrupo niya na sumunod doon sa meeting, pero tumanggi si male celebrity.
Naka-speaker phone si male celebrity at ipinadinig pa ang boses ni seksing aktres na hindi siya pinapayagang umalis.
Nagtanong ang isang katrabaho ni male celebrity kung sino ‘yung boses ng babae na pumipigil kay male celebrity na umalis. Buong galang naman siyang nagpakilalang siya si seksing aktres.
Hindi na nakahirit ang mga kagrupo ni male celebrity. Hindi na nila mapilit na puntahan sila dahil hindi niya puwedeng deadmahin ang paglalambing at pagpipigil ni sexy actress.
Chanda Romero Christmas wish na madalaw ang abo ng ina
Sa darating na Pasko ay inaasahan ni Chanda Romero na makauwi siya ng Cebu para madalaw daw niya ang urn ng kanyang ina na pumanaw dahil sa COVID-19. “I am hoping that I can go back on Christmas just to visit her,” pakli ni Chanda nang makatsikahan namin sa Prima Donnas mediacon.
Masakit para sa aktres ang pagpanaw ng mommy niya na hindi man lang daw niya nadalaw o nakausap man lang. Pero heto na nga ang realidad ng buhay ngayong hinaharap natin ang pandemyang ito.
“What the painful thing about it was you know you can imagine how painful her death was, because she was there all alone.
“No one could hold her hand. No one could even see her. You could not even touch through the glass pane of a hospital room.
“On the other hand, you still have something to find to be grateful for because…in another scenario she may have had even cancer and deteriorated for years and years and everybody around her suffering and she’s suffering for years.
“You just have to be grateful that she only had a hard time… she suffered only for 12 hours.
“What I took away from this…what I said out of something bad, something good should be treasured,” saad ni Chanda.