Mutya ng Pilipinas 2020, kanselado
Naibahagi sa amin ng beauty and wellness advocate, radio and TV host, president and National Director ng Mutya ng Pilipinas na si Cory Quirino na walang magaganap na Mutya ng Pilipinas pageant sa taong ito dahil sa pandemya but she’s confident na tuloy ang kanilang search and coronation sa isang taon.
It was during the time of Cory as National Director ng Miss World Philippines na nanalong Miss World ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ni Megan Young in 2013. Na-ging maganda rin ang standing ng Pilipinas sa Miss World competition mula 2012 up to 2016 although sobra umano siyang na-disheartened nang hindi masungkit ni Catriona Gray ang Miss World crown in 2016 and only ended up as one of the runners-up but two years later in 2018 ay siya naman ang tinanghal na Miss Universe.
Ang OPM president at singer-composer at hitmaker na si Ogie Alcasid ang may kagagawan kung bakit hindi natanggihan ni Cory ang pamumuno ng Mutya ng Pilipinas.
Mila del Sol, 17 apo ang naiwanan
Pumanaw na ang veteran actress at dating LVN Pictures star na si Mila del Sol (Clarita Villarba Rivera in real life) last Wednesday, November 10 ng 1:10 a.m. sa edad na 97. Ang malungkot na balitang ito ay ipinaalam ng isa sa kanyang mga apo, ang dating kongresista ng Parañaque City na si Gus Tambunting sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Isa sa tatlong anak ni Mila ay ang dating actress-game show TV host na si Jeanne Young ng Spin-A-Win. Ang dalawa pa ay sina Ancel at Leo Romero. Meron siyang 17 apo, great grandchildren and great great grandchildren.
Si Mila ay nagsimula in 1938 sa pamamagitan ng pelikulang Ang Maya opposite Fernando Poe, Sr.
During the pre-war ay nakagawa siya ng 16 na pelikula sa bakuran ng LVN Pictures at kasama na rito ang Giliw Ko in 1939, Hali at Sawing Gantimpala in 1940, Hiyas ng Dagat, Rosalinda at marami pang iba.
Sandali siyang namirmihan sa Amerika noong 1953 pero muli siyang bumalik ng Pilipinas in the 1960’s upang ipagpatuloy ang kanyang career.
Nakagawa rin noon si Mila ng ilang TV series tulad ng Rawhide, Silent Service, Problema Mo Na Yan, Talagang Ganun kung saan niya kasama ang anak niyang si Jeanne Young, Leopoldo Salcedo at Dindo Fernando. Napasama rin siya sa TV series ng Rosalka in 2010.
Isa sa last movies na nagawa niya ay ang 1974 movie na Batya’t Palu-Palo.
Si Direk Carlos Vander Tolosa ang nagbigay ng screen name na Mila del Sol.
Ilan sa mga lead actor noon na kanyang nakatrabaho ay kabilang sina Fernando Poe Sr., Teddy Benavidez, Fred Cortes, Armando Goyena, Jose Padilla, Jr. at iba pa. Ang mga director naman who directed her include Lamberto Avellana, Emmanuel Borlaza, Manuel Conde, Ramon Estella, Gregorio Fernandez, among others.
Bukod sa dating kongresista ng Parañaque na si Gus Tambunting, mga apo rin ni Mila ang actor na Onemig Bondoc at ang kilalang musician na si Ira Cruz na naging miyembro ng iba’t ibang rock bands tulad ng Bamboo, Hijo, Introvoys, Passage at Kapatid.
Ryza, tumanggap agad ng trabaho pagkapanganak
Kahit wala pang isang buwan magmula nang isilang ng Viva actress na si Ryza Cenon ang kanyang first baby sa kanyang cinematographer partner na si Miguel Cruz na si Baby Night, sabak siya agad sa virtual presscon ng kanyang upcoming action-drama TV series na mapapanood sa TV5 simula sa darating na November 25. Bukod kay Ryza, tampok din sa Bella Bandida sina Sarah Jane Abad, AJ Muhlach at Joseph Elizalde.
Kahit may baby na si Ryza, hindi naman daw ito nangangahulugan na may restriction na siya sa kanyang sarili bilang actress. Although gumagawa na ng lead roles ngayon si Ryza, hindi nito ikinakaila na mas gusto pa rin umano niyang gumawa ng mga bida-kontrabida roles.
Turning 33 on December 21, si Ryza ay naging Ultimate Female Survivor ng ikalawang season ng reality show na StarStruck in 2004 na kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Bago naging contract star ng Viva Artists Agency, si Ryza ay almost 14 years ding naging Kapuso.
Samantala, kahit may baby na si Ryza, wala pa rin umano sa kanilang
immediate plans ni Miguel ang pagpapakasal.
Anne, ninanamnam pa ang pagiging nanay
Anne Curtis is not in a hurry to return to work, until her daughter, Baby Dahlia Amelie turns one year in March next year.
Alam ni Anne na may naghihintay na movie projects for her bukod pa sa kanyang hosting job sa noontime show na It’s Showtime. Ayon kay Anne, gusto umano niyang namnamin ang pagiging 24/7 mom niya sa anak nila ng husband na si Erwan Heussaff.
- Latest