^

Pang Movies

Panlasa ng tao, ‘di basta-basta nagbabago

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ko alam bakit paborito ko ang tinapa at tocino. Bata pa ako, sarap na sarap na ako sa tinapang galunggong at salinas, sa lahat ng variety ng tocino, chicken o pork. Kahit na nauso ang mga gourmet sardines o tuyo, ‘yung tinapa pa rin ang fave ko. At sa lahat ng isda, paborito ko ang galunggong -  tinapa, prito o paksiw.

Talagang kahit etching na diet ako at iniiwasan kumain ng kanin, basta may tinapa, imposibleng hindi ako kumain at tambak ang kanin. ‘Pag may sakit nga ako o feeling masama ang katawan, heto na ang comfort food ko para mabalik ang panlasa ko, tinapa. Sawsaw sa suka, kamatis, kahit na parang hindi gusto ng tiyan ko na tanggapin, eat ako, dahil nga talagang ang lakas ng pang-akit sa akin ng tinapa.

Hah hah, kaya nga naging close ako sa inyo ni Rose, Salve kasi madalas n’yo akong bigyan ng daing at tinapa, eh ’yun ang mga food na gusto ko.

Iyon sigurong taste buds ng tao, kahit kailan hindi nagbabago. Ever since, iyon na ang aking fave, hanggang ngayon. I think it will never change, parang pagmamahal ko kay Jo In-Sung, madadagdagan lang ng ibang fave pero forever siya pa rin ang number one.  Hahaha.

Sawsaw pa more...

Siguro dahil na rin sa cabin fever kaya maiksi ang pasensiya ng tao. Konting issue kasi ay lumalaki dahil nga hindi mapigilan ng iba ang sumawsaw. Like ‘yung kay Arnell Ignacio na talagang parang personalan na ang bitaw nila ni G. Toengi ng mga salita.

Kasi nga naman bakit kailangan pa na konting galaw ng mga pulitiko, pintas at pagpuna agad ang gagawin? Hindi rin ako ok doon sa pakikipagpalitan ng  salita ng Asec. ng Department of Environment and Natural Resources.

Hindi naman maganda para sa isang mataas na opisyal ng gobyerno ang parang streetboy na magsabi na sa babae na lang makipag-espada ang kasagutan. Foul na mga salita na hindi bagay ‘pag mataas na tao ang magbibitaw nito.

For whatever it’s worth, dapat kasi ‘pag sumali ka sa issue matibay ang laban mo, andyan ang evidence mo, at hindi ‘yung sumali ka lang para magkaroon ng space sa balita ang pangalan mo.

Siguro nga bored na talaga ang lahat, kaya naman lahat pinapasok. Sana lang, wala nang away-away, paliwanagan lang.

ARNELL IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with