^

Pang Movies

Paalam, Letty…

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Paalam, Letty…

Yesterday was an ultra sad day for me-us-, as kasalukuyang nakaburol si Letty Celi, fellow columnist namin dito sa Pang-Masa o PM (title ng column niya: Tsuppatid) at matagal ng kaibigan.

Hindi pa tiyak kung kailan ililibing si Letty, pero doon nga sa mga interested na dalawin siya for the last time, her body lies in state sa St. Peter Sta. Rosa, Laguna.

Ang ikinamatay ni Letty ay ang matagal na niyang sakit, cirrhosis of the liver.

Matagal na gamutan ang namagitan sa kanila at ng ilang doctors sa Philippine General Hospital, courtesy ng kilalang beauty guru na si Ricky Reyes.

Ito rin ang dahilan why up to before a few days of her death, nakaka-attend pa siya ng mga Zoom presscons, if invited.

Isa sa pinaka-accomplished entertainment writers si Letty, considering that to her death, nakikita pa siya sa diyaryo (specifically dito sa PM ang kanyang byline at sinusulat).

She started her showbiz writing career after niyang magtapos ng Journalism course sa Manuel L. Quezon University. Nakasabayan niya ang mga naging entertainment writers din na sina Fely Igmat at Mila Parawan na kapwa unang binawian ng buhay kesa kanya.

Naging publicist din siya ng ngayo’y sikat na senador na si Senator Lito Lapid, mula nang una itong mag-serve as senator from 2004-2016, and who is serving again as senator mula noong 2019.

Naging stuntman-dancer muna si Sen. Lito bago siya binigyan ng pagkakataong maging bida sa The Jess Lapid Story, yes, ni Jesse Chua, when he (Jesse) put up Mirick Films.

Si Letty ang ginawa ni Jesse as publicist ng kanyang kumpanya.

The late Jess Lapid, in his time, considered one of the best action stars, was Sen. Lito’s uncle.

Namatay siya sa isang aksidenteng barilan.

But Sen. Lapid was not the only politician na naging close kay Letty, naging malapit din siya kay Dan Fernandez, actor-politician, lalo’t nang maging mayor ito ng Sta. Rosa, Laguna, where Letty and her family live.  Currently, Dan is congressman of the first district of Laguna.

Letty left behind her two children, Boogie and Jenny, and her two grandchildren with her.

Rest in peace, Letty, and pray for us, too, nasaan ka man ngayon. – My deepest sympath

y. Rest in peace po tita Letty. - Salve

Anjo, magtatayo ng talent center?

Now on a happier note: Back as a comedy tandem sina Anjo Yllana at Janno Gibbs sa noontime show na Happy Time on Net 25.

Co-hosting with them is Kitkat.

The two has had the chance to work together before, and they clicked. Kaya malaki raw ang pag-asang magiging successful muli ang kanilang team-up lalo na’t kasama nila si Kitkat.

Huling napanood as a host si Anjo sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga, na sayang at kinailangang itigil since it requires Anjo, specifically, to interview his ‘subject’ outside of the studio, which is bawal ngayon because of the existing pandemic.

Did we hear it right, na planong mag-put up ni Anjo ng isang talent center, dahil nakikita raw niyang magbu-boom muli ang showbiz industry soon. Thus, a need for more and new talents.

Komedyante, laking pasasalamat sa retoke

Wow naman, Salve A., say daw ng comedian na ito, if she will be asked kung bakit biglang naging blooming siya, ang maikling isasagot niya, “salamat sa retoke.”

Kasabihang, honesty is always the best policy.

LETTY CELI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with