^

Pang Movies

Achievements ni Carol, napansin ng American news channel

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Achievements ni Carol, napansin ng American news channel

Ang dating Kapa-milya singer-actress-turned nurse na si Carol Banawa (Carol Claire Banawa-Crisostomo sa tunay na buhay) ay naka-base na ngayon sa Amerika with her family at ipinagbubuntis niya ngayon ang kanyang third child with husband Ryan Crisostomo na kanyang pinakasalan in 2006. 

Nakatakda siyang magsilang in April 2021.  Ang dalawa nilang naunang anak ay sina Chelsea at River Crisostomo.

Noong nakaraang October 22 ay pinik-ap ng American news channel, ang Fox News kung saan ay kinilala ang amazing achievement ng Filipina nurse na si Carol na nagtapos ng kanyang nursing degree sa edad na 39 na pinost naman nito sa kanyang Instagram account.

Si Carol ay nagtapos ng kanyang Bachelor’s Degree in Nursing sa Grand Canyon University in Phoenix, Arizona, USA.

“Bachelor’s degree before 40.  You are never too old to reach for your dreams! Dream it! Believe It! Conquer It! To God be the GLORY!!,” ang post ni Carol.

It was in 1994 nang maging bahagi si Carol ng youth-oriented program ng ABS-CBN na Ang TV.  Isa rin siya sa naging miyembro ng Star Magic Batch No. 4.

Siya’y nakagawa ng limang multi-platinum albums, ang self-titled na Carol, Carol
Repackaged, Transition, Follow Your Heart at My Music, My Life.

It was in December 2019 nang kanyang aminin na siya’y nagtatrabaho bilang isang frontliner sa isang pagamutan sa Amerika.

Nakaya ni Carol na i-manage ang kanyang oras bilang wife, mother of two, pagiging singer, pag-aaral at pamamasukan bilang isang nurse.

Noong aktibo pa siya sa kanyang showbiz career sa Pilipinas ay nakagawa ito ng limang multi-planinum albums, sampung TV programs at limang pelikula.

Mahirap man ang buhay sa Amerika, masaya naman itong nairaraos ni Carol sa suporta na rin ng kanyang pamilya.

Kapamilya at Brightlight, magko-collab

Thankful ang ABS-CBN na marami sa kanilang displaced staff and talents ay nabigyan ng trabaho ng blocktime producer na si Albee Benitez sa pamamagitan ng kanyang Brightlight Productions na siyang producer ng limang bagong programang napapanood ngayon sa TV5 at kasama na rito ang daily noontime show na Lunch Out Loud, ang Sunday musical show na Sunday Noontime Live, ang Sunday afternoon gag show na Sunday Kada at iba pa.

May bagong kasunduan ngayon ang Star Cinema (ang film arm ng ABS-CBN) at Brightlight Productions ng isang bagong TV series that will air on TV5 ang ila-line produce ng Star Cinema featuring talents from Star Magic at Rise Talents ng ABS-CBN.

Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit visible ang talents ng ABS-CBN sa mga entertainment program ngayon ng TV5. Napapanood man ang mga Kapamilya talents sa TV5 hindi naman daw ito nangangahulugan na under contract na sila ng Kapatid Network. Some of them are still part ng Star Magic.

Samantala, wala na si Pat-P Daza sa ABS-CBN bilang head of artists’ relations and mall shows at bilang partner sa teleradyo ni Peter Musngi sa Pasada Sais Trenta. Siya’y kabilang na ngayon sa Brightlight Productions ni Albee bilang head ng admin at operations.

Si Pat-P ay pinalitan ng ANC News Channel anchor na si Rica Lazo bilang bagong ka-tandem ni Peter sa teleradyo ng DZMM.

CAROL BANAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with