Bagong BL series, inspired sa mga love letter noong 1970s
Handa na ang bagong BL series ni direk Adolfo Alix Jr. - ang Happenstance.
Pinagbibidahan nina Kiko Ipapo at Jovani Manansala bilang Wade at Jose Manuel, two people who magically meet although nasa magkaibang panahon sila – ang isa ay noong 1974, one in 2020. Grounded si Jose Manuel pagkatapos niyang pumasok sa military nang malaman ng tatay niya ang relasyon niya kay Luis, na isang aktibista. Si Wade naman ay kasalukuyang nagmu-move on sa recent breakup with Eric, na biglang inabutan ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. After ng super moon, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa to connect across time and find love once again.
Parehong baguhang aktor ang mga bida sa series. Si Kiko Ipapo ay isang social media personality and influencer. Nagsimula siya bilang print model bago nagdesisyong pasukin ang showbiz.
Masusubukan sa Happenstance ang galing niya sa pag-arte. While si Jovani Manansala naman ay nag-start sa paggawa ng ilang commercial ads, at lumabas na sa ilang programa gaya ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya, at sa indie films gaya ng Mamu; And a Mother Too at Jolly Spirit.
Ang actor-singer na si Mikoy Morales ang nag-compose ng theme song ng BL series na Ating Lang.
Abangan dahil ilalabas ang MV nito sa mga susunod na araw.
Ayon kay Direk Adolfo, na-inspire siyang gawin ang serye dahil sa napabalitang house owner na nakakita ng love letters from ‘70s noong nagpa-renovate ito ng bahay at sinubukang hanapin ang letter sender na lagpas limang dekada na ang nakalipas.
Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Rosanna Roces, Allan Paule, Erlinda Villalobos, Shu Calleja, Angeli Bayani, Ken Anderson and Saviour Ramos. Ito ay mula sa panulat ni Jerry B. Grácio.
May nine episodes ang series na ilalabas weekly simula November, exclusively on the LGBTQ+ streaming platform GagaOOLala.
- Latest