^

Pang Movies

Ate Vi, malungkot ang Undas!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Ate Vi, malungkot ang Undas!

Apektado si Cong. Vilma Santos na hindi siya makakadalaw sa sementeryo ngayong Undas dahil sa ipinatutupad na safety protocols dala pa rin ng covid-19 pandemic.

Hindi nga naman niya mapapasyalan ang puntod ng ina niyang si Mommy Mila.

Ganundin ang problema ni Sen. Bong Revilla, dahil hindi rin nito madadalaw ang puntod ng amang si Don Ramon na hindi pa natatagalan ang pagpanaw.

Kaya naman, binisita na agad nila ang mga mahal nila sa buhay para man lang madasalan ngayong panahon ng kaluluwa.

Kyline, ‘di na makikita ang paboritong lolo

Maingat ang superstar na si Nora Aunor sa pagbabalik-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit kasama sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara at iba pa sa San Mateo, Rizal.

Ito rin ang dahilan kaya hindi man lang nakita ni Kyline sa huling sandali ang namayapang lolo dahil naka-lock in siya sa taping. Paborito pa naman daw siya nito pero wala siyang choice kundi tapusin muna ang lock-in taping.

Kung sabagay puwede namang dumalaw sa puntod kahit hindi naman undas.

Shalala, nagpasalamat sa aral ni Kuya Germs

Malaki ang pasasalamat ng komedyanteng si Shalala noong magkaroon ng financial problem ang asawa ng kanyang babaeng kapatid. Pinahirapan daw sila ng ospital na pinagdalhan sa kanilang bayaw dahil kung saan-saan daw sila itinuro ngunit wala silang sapat na pera na pang-deposit. Kaya naman kahit nahihiya ay naglakas-loob itong humingi ng tulong sa mga kaibigan at hindi naman siya nabigo dahil maging si Sen. Imee Marcos ay nagpaabot ng tulong.

Napatunayan nga ni Shalala na epektibo ang itinurong leksyon ng kanyang yumaong ama-amahang si Kuya Germs - ayon dito ay mahalaga ang pakikisama sa mga kaibigan dahil pag oras ng pangangailangan may malalapitan.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with