Luis at Billy, tuloy ang banggaan
Alam mo, Salve A., hindi talaga maiiwasan ang tapatan ng mga programa sa telebisyon ng magkakaibigan at dating magkakasama ng istasyon at ito’y nagsimula nang mangyari sa pagsisimula ng mga bagong programa ng TV5 tulad ng Sunday Noontime Live or SNL, ang bagong daily noontime show na Lunch Out Loud or LOL at iba pang programa kung saan halos lahat ng mga host ay nagmula sa Kapamilya network or ABS-CBN. Although ito’y itinuturing ng mga artists involved na `friendly competition’, kakaiba naman ang interpretasyon dito ng marami.
Si Billy Crawford ay nagmula sa It’s Showtime pero ngayon ay napapanood na siya sa TV5 sa Lunch Out Loud na katapat ngayon ng noontime show ng Kapamilya Channel. Sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Donny Pangilinan naman ang main hosts ng SNL ng TV5 na ang director ay si Johnny Manahan, dating director ng ASAP Natin `To at co-founder at dating head ng talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic.
Simula ngayong Sabado, October 24 ay muling mauulit ang tapatan ng magkaibigang Luis Manzano at Billy. Si Luis ay muling mapapanood bilang host sa bagong season ng local Franchise (from South Korea) ng I Can See Your Voice at si Billy naman ang host ng local franchise rin mula South Korea, ang Masked Singer Pilipinas.
Since nasa Lunch Out Loud ang mga SING-vestigators ng I Can See Your Voice na sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at Wacky Kiray, ang tatlo ay pinalitan nina KaladKaren, Long Mejia at Negi. Kasama pa rin sa SING-vestigators sina Andrew E. at Angeline Quinto.
Tiyak na magiging exciting ang tapatan nina Luis at Billy na parehong competent hosts.
Sa kabila ng pagkakabasura ng 70 kongresista ng prangkisa ng ABS-CBN, nakipag-alyansa naman ang Kapamilya management sa Zoe Channel 11 ni Bro. Eddie Villanueva which was rebranded at ginawang A2Z kung saan napapanood ngayon sa free TV ang mga programa ng Kapamilya. Hindi rin matatawaran ang strong presence ngayon sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa cable and satellite maging sa social media.
Samantala, magiging exciting ang mga bagong programang mapapanood this Saturday sa TV5 dahil mapapanood na rin ang weekly news magazine and lifestyle magazine ng misis ni dating Sen. Mar Roxas na si Korina Sanchez-Roxas, ang Rated Korina (Rated-K sa ABS-CBN) na produced by businessman at dating politician na si Albee Benitez.
This Saturday din mapapanood ang family sitcom na Oh My Dad! starting at 5 p.m. kung saan tampok na mga bituin sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Adrian Lindayag, Ariel Ureta at Gloria diaz mula sa direksiyon ng Kapamilya director na si Jeffrey Jeturian na produced din ng Brightlight Productions.
- Latest