Claudine, may bagong manager na
Alam mo, Ateng Salve, nanibago talaga ako kahapon nang magkita kami ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio. Sa Florabel restaurant sa Estancia Mall sa Capitol Commons, Pasig City kasi ang meeting place namin at hindi ako sanay na marami pa ring mga taga-showbiz na nakakasabay since nag-COVID-19 pandemic.
Pero kahapon nga while talking to Atty. Topacio, dumating din sa restaurant na ‘yon ang pamosong talent manager na si Arnold Vegafria o ALV. Sabi ni ALV, may meeting siya with his lawyer dahil may ilang kontrata silang inaayos.
Maya-maya, dumating naman doon ang aktor na si Philip Salvador. May ibang mga ka-meeting naman si Kuya Ipe (paboritong tawag sa aktor).
Feeling ko tuloy, napaka-showbiz ng lugar na ‘yon, huh!
Anyway, nakipagtsikahan din si Atty. Topacio kay ALV at nang lapitan nila ako sa table, may kakausap daw sa akin gamit ang cellphone ng pamosong talent manager. It turned out na si Claudine Barretto ‘yon na ang legal counsel naman ay si Atty. Topacio. “You’re back, I missed you. Magkita-kita tayo nina Atty. Topacio and ALV. Let’s have lunch,” tsika ni Claudine. Si ALV na pala ang manager ngayon ni Claudine.
Sayang, tapos na ang tsikahan namin ni Claudine nang mabanggit ni ALV na siya na ang bagong manager ng aktres, natanong ko sana ang sister ni Gretchen Barretto kung bakit nag-goodbye na siya sa Viva Artists Agency, huh!
Anyway, kapag natuloy na ang lunch date ko with Claudine, ALV and Atty. Topacio ay tatanungin ko ang aktres kung bakit nag-goodbye na siya sa talent management agency ni Boss Vic del Rosario. May kinalaman ba ‘yon sa tsikang “nagtampo” siya dahil sa isang big movie project sana sa Viva Films na hindi natuloy? Well…
Mamasapano, apektado ng ulan!
Ang main reason ng lunch date namin ni Atty. Topacio ay para pagkuwentuhan ang movie project niyang Mamasapano na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul at Myrtle Sarrosa, plus ang virtual concert ng huli, ang Myrtle: Restart. Sa November 28 na raw ‘yon sa pamamagitan ng isang concert app na ia-announce nila very soon.
Bale digital tickets ang ibebenta nila at makakapag-log-in ang mga bibili para mapanood si Myrtle plus her guests, sina Gerald Santos at Rayver Cruz.
Anyway, ‘yung shooting naman daw ng Mamasapano ay tuluy-tuloy naman, pero noong Wednesday ay kinailangan nilang mag-pack-up dahil maulan. “Mahirap naman kasi kung itutuloy namin ang shooting at wala kaming makukunang mga eksena dahil sa ulan. Marami kasi sa scenes na kukunan sana ay puro outdoor, so sa Monday na lang kami magre-resume,” sey ni Atty. Topacio.
Ang bongga! ‘Yun na!
- Latest