Baby girl muli ang isinilang ng dating sexy star na si Diana Zubiri sa second and present husband nitong si Andrew Smith na isang Australian.
Amira Jade Smith ang pangalan ng bagong silang na baby ni Diana, her second daughter after Aliyah (4). Ang panganay ni Diana na si King (11) ay anak niya sa kanyang namayapang mister na si Alex Lopez na sumakabilang-buhay noong 2010.
Ibinahagi ni Diana ang kanyang panganganak sa kanyang latest vlog kung saan naging emosyonal ang kayang mister na si Andy hindi lamang sa kasiyahan sa maayos na panganganak ni Diana, kundi nalungkot din ito dahil wala siya sa tabi ng kanyang misis nang siya’y magsilang sa kanilang baby dahil sa 14-day quarantine period.
Minabuti na lamang ni Andy na samahan ang dalawang bata na sina King at Aliyah para hindi siya masama sa quarantine dahil walang mag-aasikaso sa kanila kung pareho silang naka-quarantine ni Diana with the new baby. Nagkakasya na lamang si Andy na silipin ang misis at ang kanilang bagong silang na baby sa glass window ng kanilang kuwarto kung saan naroon ang mag-ina.
O Shopping nasa ibang channel na
Pagkatapos ng ilang araw na test broadcast sa newly-rebranded Channel 11 na pag-aari ng Zoe Broadcasting Network ni Bro. Eddie Villanueva, ang A2Z Channel 11 kung saan meron silang bagong tieup with ABS-CBN, mapapanood na simula sa darating na Sabado, October 11 ang long-running noontime show na It’s Showtime, maging ang ASAP Natin `To sa linggo, October 11 at kasunod na rito ang iba pang mga programa ng Kapamilya Channel.
Ang O Shopping naman na napapanood dati sa Channel 11 ay mapapanood sa Channel 25.
Sa Metro Manila at sa mga karatig lugar pa lamang mapapanood sa free TV ang mga programa ng Kapamilya Channel, habang ang kanilang mga programa ay bitbit naman ng iba’t ibang cable providers sa ibang bahagi ng Pilipinas.
Nalungkot man ang ABS-CBN sa pagkakalagas sa kanila ng libu-libong empleyado at talents, umaasa ang Lopez-owned corporation na unti-unti nilang maibabalik sa kanilang mga empleyado na na-displace, although marami na sa kanila ay may ibang trabaho na rin sa ibang TV network.
Nanatili naman ng loyal sa Kapamilya station at kasama na rito ang Kapamilya heatthrob na si Daniel Padilla at ang topstar girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.
Bukod sa It’s Showtime, mapapanood din ang iba pang mga programa ng ABS-CBN maging ang iba pa nilang entertainment programs at mga pelikula both local and Tagalized foreign films.
Simula naman sa Lunes, October 12 ay mapapanood na sa A2Z Channel 11 at ang regular primetime run ng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, Walang Hanggang Paalam at iba pang programa tulad ng Magandang Buhay, ang mystery game show na I can See Your Voice, ang longest-running drama anthology na MMK, ang public service programs na Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan at iba pa.
Patuloy pa ring mapapanood ang mga ABS-CBN shows sa cable at satellite TV sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, online via iWant TFC at Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook at sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang sariling cable TV at iba pang satellite partners.
Chad Kinis, sa vlogging muna
Thankful ang stand-up comedian, actor, host at YouTuber na si Chad Kinis (Richardson de la Cruz) na meron siyang sariling YouTube channel na pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan, otherwise, wala talaga siya dahil nagsara ang lahat ng comedy bars kung saan siya regular na nagtatatanghal bago ang lockdown dahil sa pandemya. As early as February this year, may YouTube channel na si Chad Kinis at kasama na ang close friends na mga stand-up comedians din na sina MC (Melvin Calaquian) at Lassy (Reginald Marquez) nang buuin nila ang grupong Beks Battalion at pumasok na rin sila sa YouTube as a group.