100 Kapamilya staff, hinugot para sa mga bagong show ng TV5

Ngayong October ang simula ng ‘second wave’ ng TV5 kung saan ay magsisimula ang blocktimed shows ng Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez, pati shows ng Viva Television ni Boss Vic del Rosario.

Sa November naman daw ang ‘third wave’  kung saan ang ilang line-produced na shows ng Cornerstone Entertainment naman ang raratsada.

More than 100 former ABS-CBN staff daw ang kinuha ng Cornerstone para sa ilang shows nila for TV5 na ang ka-deal nila ay Cignal.

Wow, ang bongga lang at maraming work talaga sa TV5, huh!

The House Arrest of Us mabenta, posibleng magka-season 2 agad!

Aabutin daw ng January ang pagpapalabas ng The House Arrest of Us, ang digital movie series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang tsika, more than 50,000 season pass ang nabenta raw sa unang araw pa lang na inilabas ‘yon sa ktx.PH.

Ilang araw na ring lumabas ang season pass ng The House Arrest of Us, baka magkaroon nga raw ng season 2 ‘yon if ever.

So, puro digital movie series muna ang KathNiel at hindi muna sila magteteleserye?

Well…

Lovi, excited sa balik-taping

Ang virtual story conference at script reading kahapon ng Owe My Love nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Nakapagsimula na sila ng taping noong March bago pa nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Mukhang may babaguhin nang konti sa script nila dahil sa tinatawag na ‘new normal’sa mga taping.

Sabi ni Lovi, excited na siyang balikan ang taping ng GMA 7 series nila ni Benjamin.

Heaven at Barbie, walang kaartehan

Maayos na maayos daw ang lock-in taping ng new ABS-CBN series na Cara y Cruz.

Sina Heaven Peralejo at Barbie Imperial na ang mga bida sa series na ‘yon.

Puring-puri ng kanilang co-stars ang dalawa.

Masunurin at wala raw kaartehan sina Heaven at Barbie, kaya ang bilis daw ng taping ng Cara y Cruz.

Kung matatandaan, si Julia Barretto sana ang magbibida sa nasabing series, pero pumirma siya sa Viva Artists Agency, kaya sina Heaven at Barbie na ang pinagbida ng Kapamilya network sa Cara y Cruz.

Show comments