Sa kauna-unahang pagkakataon ay in-address ni Angelica Panganiban ang kanyang malaking boobs. Sa 2nd episode ng digital show niyang Ask Angelica, inamin ng aktres na wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ang kanyang dibdib.
“Ever since bata ako, insecurity ko siya (having big boobs), eh,” ani Angelica, “parang mas una kasi akong nag-mature sa... physically. Mas unang lumaki ‘yung boobs ko kaysa iba kong kasabayan.”
Kaya ang feeling daw niya noon ay parang out of place siya at gusto nga niyang itago ang kanyang boobs.
“Parang na-out of place ako, parang ‘bakit ganito? Bakit hindi naman ganu’n katulad ng sa iba kong mga kaibigan?’ Kaya lagi akong naka-slouch kasi gusto ko siyang parang itago. Gusto ko nu’n, mahaba ‘yung hair ko para natatakpan siya. So, hindi talaga ako komportable sa kanya ever since,” pag-amin pa ni Angge.
Napunta ang usapan sa boobs dahil isang netizen na humihingi ng advice dahil flat-chested siya.
Tinanong naman ni Angelica ang guest nilang si Ivana Alawi kung mas gusto rin ba nito ang maliit na boobs.
“Actually, hindi ko maintindihan kung malaki ba siya or maliit,” natatawang sabi ni Ivana.
“Kasi, parang cup B lang talaga siya. It’s not naman double D or... cup B lang ako. Kaya actually, ayokong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki,” sabi ni Ivana.
Natanong nga rin ang sexy star kung ilan ang bra niya at sey niya, “dalawa, pramis, eight years na ‘yung bra ko.”
Hahaha! Kaaliw.
Joshua, nag-umpisa na ng klase
Halatang excited si Joshua Garcia sa kanyang pagbabalik sa pag-aaral. Ipinost pa niya sa kanyang Instagram Story ang kanyang school ID kung saan siya nag-enroll ng kursong entrepreneurship.
“It’s never too late to do something new. Use this pandemic time to create or learn new things. You just need courage and perseverance. And remember, ‘Procrastination is the enemy of Success’,” ang caption ni Joshua.
Sa ibaba ng larawan ay may isa pang caption na nagsasaad ng “not paid promotion.”
Sa huling online interview ni Joshua ay nabanggit nga niyang naka-focus daw siya ngayon sa kanyang pag-aaral habang wala pang masyadong ginagawa dahil nga sa COVID-19 pandemic.