Kakaibang talent ni Zia, nadiskubre ni Dingdong

Nagpaandar kay Dingdong Dantes ang panganay na si Zia nang kumanta ang bata ng ilang linya sa foreign hit song na Stand By Me nu’ng isang gabing pasukin siya sa kuwarto ng anak.

Natuklasan ni Dong ang gift sa music ni Zia nu’ng gabing ‘yon. Sa post ni Dong sa Instagram, pumapasok ang anak sa room-office niya para manood ng YouTube, magbasa ng scary story o ‘di kaya ay panoorin siyang tumugtog ng gitara. “Tonight, my little one just walked up to me while I was in the middle of studying ‘I am I Said’ of Neil Diamond.

“She went behind the guitar, hugged it from my standpoint, and started to strum. She said, ‘Dad let’s sing this song.”

Ayon pa sa GMA Primetime King, When The Light ang alam niyang title ng kanta na unang linya sa Stand By Me.

Basta sabi ng asawa ni Marian Rivera, “Well, she can call it whatever she wants. What’s sure is that I’ll stand by her, even if the moon is the only light we see.”

Dumagsa naman ang paghanga ng ilang celebrities nang mapanood ang performance ni Zia gaya nina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Angel Locsin at marami pang iba.

Show comments