Panay ang puri ni Carmi Martin sa natanggap niyang pag-aalaga ng Makati government nang mahawa siya ng coronavirus.
Ang ganda raw ng facility ng kanilang quarantine clinic for COVID-19 positive residents. Talaga raw ang linis, maayos, at 24 hours ang mga medical team na nagbabantay sa mga pasyenteng tulad niya.
Puring-puri ni Carmi si Mayor Abby Binay na talagang tutok sa kanilang quarantine facilities.
Halos pareho sila ni Mayor Joy Belmonte na ingat na ingat sa lahat ng nasasakupan nila kaya nakabantay ang mga tao nila to ensure na talagang mababawasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19 sa kanilang lugar.
Halos sambahin ni Carmi ang mga LGU na nag-alaga sa kanya sa quarantine facility. ‘Yung round-the-clock doctors at frontliners, bongga ha.
Kaya naman taas-noo ang lahat ng taga-Makati lalo na si Gorgy Rula, ayaw patalo ng taga-QC na si Salve at taga-Valenzuela na si Cristy Fermin.
Hay naku, basta ako kay Mayor Enrico Roque, hah hah, pupunta ako sa Pandi o ‘di ba bongga!!!
Chaye, ‘di pinalalampas ang selebrasyon para sa mga guro
Gabay Guro month na naman. Pero kahit may pandemic, talagang hindi puwedeng pabayaan ni Chaye Cabal-Revilla ang mga minamahal niyang guro.
Totoo naman na mako-consider nating pangalawang ina natin ang mga guro natin, dahil aside from our mother, sila ang second authority na sinusunod natin mula pa sa childhood days natin. Forever Ma’am ng buhay natin sila kahit saan man tayo makarating.
Ang laki ng utang na loob na dapat tanawin ng bawat tao sa naging guro nila, hindi lang sa kaalamang nakuha nila habang nag-aaral, kundi ‘yung guidance nila habang lumalaki tayo.
Halos kalahating araw tayo sa school, away from home, at ang mga teacher ang kasama natin. ‘Yung mold na ginawa nila para gabayan tayo, habambuhay ang naging pakinabang natin.
Kaya ang laking bagay na suportado ng PLDT ang Gabay Guro, at ang walang pagod na pagtulong ni Chaye Cabal Revilla. Salute to all the teachers, thank you, Gabay Guro.