^

Pang Movies

Mariel, nabaliw nang makita ang sarili sa Times Square

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

New York City based pa rin ang former beauty queen na si Mariel de Leon.

Kahit may COVID-19 pandemic, tuloy pa rin naman ang modeling career niya doon. Just last week, sobrang na-excite ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil naka-display sa Times Square ang picture niya.

Sabi ni Mariel, “My photo was up in TIMES SQUARE for a few moments last Tuesday night! So crazy!”

Siyempre, sobrang proud ang family and friends ni Mariel sa opportunity na ‘yon. Tuwang-tuwa sila.

Ang nanay niyang si Sandy, nang makatsikahan ko, ang tungkol sa picture ni Mariel sa Times Square ang naging topic namin.

Sobra raw silang na-surprise nang makita nila ang pruweba ng picture ni Mariel na naka-display (kahit sandali lang) sa lugar na’yon ng New York City. “Surprised, happy, proud and thankful to God! ‘Yan ang naramdaman namin. Hindi talaga namin expected ‘yon.

“Maski naman si Mariel, nagulat din. Hindi niya expected ‘yon. Nang makausap namin siya, nagulat nga raw siya. Sobrang happy rin siya. Talagang nakaka-proud ‘yon!” sabi ng premyadong aktres.

Very supportive ang mag-asawang Christopher at Sandy sa pakikipagsapalaran ni Mariel sa New York City. Actually, noong bago pa lang na nag-move si Mariel doon ay dinalaw pa nila. Kung sakaling puwedeng makapag-travel na uli ang mag-asawa, malamang na dadalawin daw uli nila doon si Mariel, pati ang isa nilang anak na doon din based.

Kitkat, sobra-sobra ang natanggap na birthday gift

Siyempre, Ateng Salve, hindi ko puwedeng makalimutan na birthday mo ngayon, kaya happy, happy birthday at kahit may pandemic pa rin, enjoy your special day with your ­family!

Happy ako na magkikita tayo bukas para kahit paano ay mai-celebrate ang birthday mo, huh! Pero kasabay mong nagbi-birthday ngayon ang comedian na si Kitkat.

Happy si Kitkat dahil may regular TV show na siya, ang noontime show na Happy Time with Anjo Yllana and Janno Gibbs sa Net25. May birthday celebration siya sa show, pero nakapag-tape na sila last week. “Twice a week lang muna kaming nagla-live, pero ginagawa na ‘yung studio na regular naming gagamitin para puwede kaming makapag-live everyday,” sabi ni Kitkat. Noong nagsimula ang COVID-19 pandemic, isa si Kitkat sa mga sobrang umaray dahil walang income, pero ngayon nga ay sobra-sobrang birthday gift daw ito sa kanya dahil regular na naman ang income niya.  Ang bongga! ‘Yun na!

MARIEL DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with