Catriona, isusunod na si Clint?!
MANILA, Philippines — Pursigido si Catriona Gray sa kanyang planong magdemanda sa mga nagkalat ng mga paninira sa kanya.
Sinimulan niya sa pagsampa ng kasong Cyber Libel at Libel kay Janice Navida at Melba Llanera ng diyaryong Bulgar, dahil sa paglathala ng pekeng litrato ng babaeng nakahubad, at ang itinuturo sa mga nagkalat na iyon ay siya raw.
Naipaliwanag na lahat yan ni Catriona sa kanyang isinumiteng affidavit, pero ang isa sa masusing iniimbestigahan ngayon ay ang ilang social media accounts na talagang nagkalat ng mga paninira sa Miss Universe 2018.
So far, may apat na raw na iniimbestigahan ng NBI pero hindi pa talaga matukoy dahil merong isang account na may mahigit tatlumpung VPN o Virtual Private Network.
May ibang parami nang parami pa ang VPN kaya natatakpan at mahirap tukuyin kung sino talaga ang taong nagmamay-ari ng ganu’ng account.
Ibig sabihin magaling talaga, at professional na sa ganitong gawain ang mga taong ito, kaya inaasa na nila lahat sa NBI dahil ang naturang ahensya lang ang may kakayanan na malaman ito.
Pero nakakapagtaka lang dahil mukhang may mga tao talagang gustong siraan ang reputasyon ni Catriona, at pilit na ginagawan ng fake news at pati ang mga fake na litrato.
Mukhang may grupo na hindi lang alam kung sino ang nagpapalakad nito ang gumagawa ng mga paninira sa beauty queen. Sino ito at bakit?
Itong apat na accounts lang daw ang talagang tinututukang imbestigahan dahil mukhang may taong nagpapalakad nito para siraan lang si Catriona.
Marami rin ang nagtatanong kung kailan naman daw kakasuhan si Clint Bondad, dahil sa mga cryptic posts niya noon.
Wala pa kaming nakuhang sagot tungkol diyan.
Show ni Pinky at Yeng, may pa-feeding program muna!
Magkakaroon ng feeding program ngayong umaga ng Lunes, September 21
sa Barangay Katipunan sa Roosevelt, Quezon City ang bagong programang Grateful Tuesdays na ihu-host ng chemist na si Pinky Tobiano at Yeng Constantino.
Pagkatapos ng matagumpay na FB show ni Pinky na Essential Cleaning Tips, naisipan naman nilang gumawa ng bagong programa na tutulong naman sa mga mahihirap, sa mga homeless na talagang nangangailangan.
Dito nabuo ni Pinky sa tulong ng Cornerstone ni Erickson Raymundo ang isang public service program.
Sa show na ito, magbibigay sila ng tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya. Ibibida rin dito ang viral stories sa social media na nagpapakita ng kabayanihan ng mga Pilipino at mga inspiring stories na talaga namang dapat hangaan.
Isang barangay din bawat episode ang itatampok at mabibigyan ng food packs sa tulong na din ni Chemist Pinky Tobiano at ilan niyang mga kaibigan.
Simula bukas ng 7 ng gabi ay mapapanood ang Grateful Tuesdays nang live na live sa Cornerstone Entertainment FB Page.
- Latest