Nami-miss na ng viewers ng Eat Bulaga si Paolo Ballesteros. Nang magsimula kasing mag-live ang noontime show nang maging GCQ o general community quarantine na ang Cainta, Rizal, ang naging regular hosts na lamang ay sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alden Richards at Maine Mendoza. Work-at-home naman sina Joey de Leon at Bossing Vic Sotto para naman sa segment nilang Bawal Judgmental. Kung may mag-absent sa hosts, pumapalit sina Allan K, Ryan Agoncillo at Pia Guanio.
Pero this week, kahit minsan ay hindi umapir si Paolo, at naging hosts lamang sa Bawal Judgmental ay sina Jose, Wally, Maine at Bossing Vic.
Si Alden ay understandable na wala dahil nagkasunud-sunod ang taping niya ng new GMA shows at TVC shoot ng endorsements niya.
Kaya ang tanong, nasaan si Paolo?
Nora, magrerebelde
Nakatakda palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans.
Ayon kay Nanding Josef, artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film sa 67-year-old na si Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the March 2021 celebration of National Women’s Month.
Sa ngayon daw ay sinusulat na ang script ng short film at pumayag na si Nora na gawin ito. Mula rin kay Nanding Josef, igagawa rin daw ito ng full-length film ng TP with a partner producer.
Kyline, gustong pag-aralan ang Pilipinas
Habang naghihintay pa ang cast ng balik-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit, nag-enrol muna ang 18-year-old Kapuso actress na si Kyline Alcantara, as a college freshman in Tourism.
Ito ang ipinahayag ni Kyline sa interview niya sa 24 Oras, na na-inspire siya na magkaroon ng enough knowledge about the Philippines, para pagdating daw niya sa ibang bansa, kayang-kaya niyang ipagmalaki kung gaano kaganda ang Pilipinas. Kyline hails from Sorsogon in Bicol.
Dahil quarantine, online muna ang classes ni Kyline at inamin niyang nakakatakot dahil bagong school, pero excited daw siya at challenge sa kanya kung paano niya ima-manage ang kanyang oras.