Alam mo, Salve, hindi ko napigilang umiyak nang makita ko ang urn ni Manay Ichu Maceda at ang photo niya sa wake niya sa Sampaguita Chapel.
Talagang pumasok sa isip ko ‘yung mga nagawa niyang kabaitan sa akin, ‘yung pagturing niya sa akin na parang kapatid, at flashes of memories ng mga masasayang araw na pinagsamahan namin.
She was so generous with her love kaya hindi ako nagtaka na parang na-ging flower garden ang Sampaguita sa dami ng bulaklak.
At narinig ko kay Boots Anson Roa na napakarami ng donation na pumasok sa Mowelfund dahil nga sa request niya na doon ibigay ang anumang nais ibigay para sa memory niya.
Last minute na, Mowelfund pa rin at mga taga-showbiz ang nasa isipan niya.
Sobra raw ang iyak ni Vilma Santos. Nalungkot din sina Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil ninang nila sa kasal si Manay Ichu at dahil sa kanya kaya nagkakilala sina Sandy at Boyet.
Naalala ni Bong Revilla na kahit naka-wheelchair si Manay Ichu, pumunta ito sa welcome lunch na bigay ni Mother Lily nang lumabas siya ng Crame.
So many more stories about her kindness and loving ways sa mga taong na-meet niya sa buhay.
Manay Ichu, you will always be in our hearts, we love you.
Hukuman mas dapat paniwalaan
Nagtataka ako sa mga tao na parang hindi naniniwala sa hukuman o hatol sa isang tao na sinasabi na nagkasala.
Iyon bang pag na-dismiss ang isang kaso, ang comment na may kasalanan pa rin ay ‘yung hinatulan. Eh bakit pa tayo may husgado? Hindi ba kaya dinala sa korte ay para sa desisyon? Eh bakit pag binigay na ang desisyon, meron pa ring hindi matanggap ito?
Dapat pag hinatulan na, tanggapin na natin nang maluwag, hindi ‘yung tayo pa rin ang magsasabi na mali ang hatol na para bang mas mataas o mas matalino tayo kaysa sa mga judge o hukom na nagbigay ng desisyon. Kaya nga merong korte, kaya merong hukom o judge at kaya meron ring abogado.
Huwag tayong lahat magmarunong noh, deadly iyan, masama ang epekto.