Regine naka-adjust na sa pagiging quarantine mom

Parang hindi naman nanganak si Regine Tolentino nang magkaroon ng launching ang latest endorsement niyang Radiance C Vitamin C Plus kahapon via Zoom kahapon.

Samantalang kuwento niya, grabe ang naging takot niya at ng partner niyang si Dondi Narciso na isang director/photographer bago pa man siya manganak. Last March 17, 2020 when she gave birth na at that time nag-uumpisa pa lang coronavirus pandemic.

Bukod sa cesarean siya for the first time, nanganak after almost two decades, may pneu­monia pala ang baby niya nang iluwal at kailangan nitong mag-stay sa hospital for additional 10 days bago nila naiuwi. Emergency cesarean siya and it was so heartbreaking daw na hindi siya nakakalakad on her own pagkatapos niyang manganak.

Kilalang super active si Regine kaya naman talagang matindi ang naging stuggle niya.

“It was very stressful, parang napaaga ang postpartum depression ko,” pahayag ni Regine na nag-start ang lahat ng takot nila bago siya manganak dahil pabalik-balik sila hospital na ramdam daw nilang hindi pa rin alam kahit ng frontliners kung paano iha-handle noon ang nangyayaring pandemic.

Pero dahil sa suporta ng pamilya niya at mga anak na 19 and 21 years old, kasama ang dasal nakapag-adjust siya as quarantine mom.

“Na-enjoy ako sa pagiging quarantine mom. Walang yaya, ang sarap-sarap na naging rason para maging bonded kami and stay positive ang baby namin,” sabi niya tungkol sa anak na super cute - si Rosie Rignee.

Meron siyang two daughter sa former husband niyang si Lander Vera-Perez na sina Reigen and Reigne.

Anyway, tulad ng maraming negosyo, affected ng pandemic ang mga negosyo niya.

Nagdi-design siya ng party dresses and may dance studio siya for many years na sapul ng pandemic.

Ngayon ay PPEs and facemask ang dini-design na Regine na isa ring dance instructress.

Show comments