Kontrabida ng mga Koreanovela, mas nakakadala

Kim

Naku addict addict na naman ako sa Koreanovela. In the middle ng lockdown after ng mga marathon viewing ko, bigla akong nagsawa sa panonood kasi parang pare-pareho na pati ang mga face nila.

Tumigil ako, now balik na naman ako, at napansin ko na may pagka-weird ang taste ko ha.

Iyon bang kadalasan sa kontrabida ako nasa-sad, parang awang-awa o sobra lang talaga ang husay nilang umarte?

Sa Crash Landing on You kay Alberto, ‘yung conman, ako hangang-hanga at talagang cry ako nang namatay siya ha.

Tapos dito sa The Heirs, kontrabida naman si Kim Woo-bin pero sa kanya ako relate na relate, para bang awang-awa ako at kung ako ang leading lady ay siya ang pipiliin ko noh!

Talaga yatang may pagkakontrabida ako kasi mas nagsi-sympathize ako sa kanila hah, or talagang ang galing lang ng acting at laglag-awa ang dialogues nila.

Hay, nakakaabala na naman sa ating mga important lunch with benefits ang pagiging addict ko sa Koreanovela, kasi lahat ng invitations hindi ko tinatanggap dahil abala ako sa panonood, at in love na naman ako, hah hah. Ilusyon galore na naman.

Paolo, suki sa online shows ng GMA

Ang dami palang online shows ng GMA. Halos araw-araw ‘yung mga online show nina Paolo Contis, Betong, Pekto Nacua at Myrtle Sarroza.

Iba’t ibang putahe ang mapapanood mo, iba ibang host kaya naman malakas ang online ng GMA na mga GMA Artists Center ang mga starring sa mga show.

Subscribe and follow na kayo to enjoy the variety of shows.

Show comments