Sa edad na 22 ay may dalawa nang anak ang dating child actor na si Buboy Villar sa kanyang live-in partner, ang Filipino-American na si Angillyn Serrano Gorens.
Aminado si Buboy na 19 years old umano siya nang siya’y maging ama sa kanilang panganay na si Vlanz Karolynn habang one-year-old naman ang kanyang bunso na si George.
Pero sa kabila na mayroon nang dalawang anak si Buboy ay hindi pa rin sila nagpapakasal ni Angillyn na nasa Amerika ngayon with her family at doon inabutan ng lockdown.
Kapag may work (taping or shooting) si Buboy, iniiwan niya ang kanyang dalawang anak sa kanyang parents na nag-i-enjoy umano sa pag-aalaga sa kanilang mga apo.
Although marami na ring pelikula at TV series na nagawa si Buboy, hindi nito ikinakaila na first lead role umano niya ang Kid Kulafu in 2015 kung saan niya ginampanan ang papel ni Manny Pacquiao na dinirek at produced ng mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano under Ten17P.
Si Buboy ay naging produkto ng Little Big Star ng ABS-CBN at naging bahagi rin siya ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang TV and movie projects ni Buboy. Naging mainstay rin siya noon sa late night show ng yumaong star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang Walang Tulugan with the Master Showman.
Pinoy celebs paboritong lipatan ang Australia
Kung ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff with their six-month old baby na si Dahlia Amelie ay nasa Melbourne, Australia pa rin hanggang ngayon, nandun na rin sa Australia ang dating beauty queen at Kapuso actress na si Rich Asuncion at Fil-Australian husband niyang si Benjamin Mudie and their almost two-year old daughter na si Isabella Brie. Nakabili na ang mag-asawa ng kanilang bahay doon at namamasukan naman bilang waitress and at the same time nag-aaral muli si Rich.
Nag-move din sa Sydney, Australia ang actress na si Bianca King.
Back to Sydney rin with her family ang Kapamilya young actress na si Ylona Garcia na kasalukuyang namamasukang crew sa isang fastfood chain (McDo-nald’s) in Sydney.
Sa Sydney rin naka-base ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco kasama ang mga anak na sina Ali at Zhen-Zhen.
Mini-maintain pa rin ng actress na si Teresa Loyzaga ang kanyang bahay sa Sydney kung saan din doon naka-base ang kanyang mom at mga kapatid na sina Princess at Chito Loyzaga and his family.
Si Teresa ay bumalik ng Pilipinas in 2017 para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career at iniwan ang kanyang 17-year stable job bilang flight attendant supervisor ng Qantas Airlines.
Fifteen years old naman si Diego Loyzaga nang magdesisyon itong bumalik ng bansa to bond with his father na si Cesar Montano and his half-siblings. Si Diego ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Aritists Agency (VAA).
Chuck Perez, tahimik na ang buhay sa US
Matagal nang naka-base sa Amerika ang (dating) actor na si Chuck Perez (Charles Higgins), ang half-brother ng veteran director na si Elwood Perez. Nasa Amerika na rin ang tatlo nilang anak ng kanyang unang ex-wife na si Eva Marie Mallare-Higgins na nasa Pilipinas pa rin hanggang ngayon. Ang tatlo nilang anak na sina Samantha (28), Timothy (27) at Chuckie (26) ay nasa US Air Force at US Navy.
Ayon sa aming source, dalawa o tatlong beses na ring nag-asawa sa Amerika si Chuck pero hiwalay na rin umano ito sa kanila.
Si Chuck ay kasal sa una niyang misis sa Pilipinas na si Eva Marie. Sila’y ikinasal ng dating mayor pa noon ng San Juan na si Jinggoy Estrada noong September 22, 1992 pero pitong taon lamang umano tumagal ang kanilang pagsasama at ito’y nauwi rin sa kanilang paghihiwalay.
Nu’ng aktibo pa si Chuck sa kanyang career ay ni-launch ito sa pelikulang Bagwis in 1989. Ilan sa mga pelikulang ginawa niya noon include Lt. Palagawad, Big Boy Bato, Junior Quiapo, Nikilado, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, Bahala vs. Sputnik, Buhawi Jack, Lucas Dyablo at Shake, Rattle & Roll V.