Ang ganda naman ng mga balita na ‘yung mga artista natin na nagpupunta sa ibang bansa ay very humble at practical na tumatanggap ng trabaho na hindi inaalala ang magiging projection sa tao gaya ng pagiging waitress nina Ylona Garcia, Rich Asuncion at iba pa.
Walang masama sa ginagawa nilang trabaho, hindi ito degrading at hindi nakakahiya. Iyon kasi ang maganda sa abroad, you work, hindi ‘yung mamimili ka, basta trabaho lang.
Naging gasoline boy si Albert Martinez noong bago silang mag-asawa ni Liezl. Nagtrabaho rin ng mga iba-ibang gawain si Miguel Vera at naging ahente si Gabby Concepcion.
Sa abroad kasi ang importante ay may trabaho ka, bayad ang oras mo, hindi nasasayang oras mo.
Saka ang pride na meron kang trabaho, iyon ang importante. Good job, thumbs up.
Proud Kapuso…
I am so proud to be part of GMA 7. Very proud ako dahil totoo ang slogan nila na, “walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang.”
They really protect and give you the love of ‘family.’ Para kang isang anak na nagkasala, pagagalitan pero hindi palalayasin.
Your commitment is in your work, and as long as your personal life is not a hindrance to your job, they give you the freedom and understanding.
You may have done wrong in the eyes of the outsider, but inside GMA you are a member of the family, so they are ready to hear your side.
I cannot and will never forget the chance na ibinigay nila sa akin after the infamous scam I committed, that right after Crame, they were the first to embrace Bong Revilla, and now their support to Arnold Clavio.
The thought na sinasabi ko lagi,’yung kasalanan na sinasabi ng iba na ginawa mo is between you and your conscience, hindi kailangang maging responsible ka na ipaliwanag sa lahat, it is between Arnold, Sarah Balabagan and her daughter, hindi sa buong bayan na humuhusga sa iyo.
GMA is like a home that protects those who live inside the house, they protect and shield you, and they give you the love you need in the most trying time of your life.
Thank you GMA, for your big heart. Salute. Forever grateful.