MANILA, Philippines — Hindi pa rin tumigil sa pagsasalita si Sarah Balabagan dahil sa wala pang inilabas na statement si Arnold Clavio kaugnay sa isyung pagkakaroon diumano nila ng anak, 23 na taon nang nakalipas. Hinahamon ni Sarah na magsalita ang kilalang broadcaster at panindigan ang responsibilidad sa sinasabi niyang anak nilang dalawa.
Pero sa ngayon ay tahimik lang si Igan at maaaring magsasalita siya sa tamang panahon o kapag humupa na ang mainit na isyung ito.
Siya lang naman ang makakapagbigay ng tuldok sa isyung ito, pero iginagalang ng karamihan ang pananahimik niya. Isa kami sa sumusuporta kay Igan sa kung ano mang hakbang na gagawin niya kaugnay sa isyung ito.
Pero si Sarah ay nagpu-post pa rin sa kanyang Facebook account na pini-pick up naman at ibinabalita sa mainstream media.
Kamakalawa lang ay kinorek niya sa kanyang FB account na mag-23 years old na pala ang panganay niyang anak. Nagkakamali lang daw siya ng bilang, dahil ang una niyang sinabi ay 21 na taon nang nakaraan nang nabuntis niya ang panganay niyang anak.
November ng taong 1997 daw isinilang niya ang kanyang anak na si Ara na kung saan ang tinuturo niyang ama ay si Arnold Clavio.
Kaya sa November ng taong ito ay 23 years old na ang panganay niyang anak na nagtatrabaho na sa Las Vegas. Nagpa-interview si Sarah sa programang Bitag ni Ben Tulfo at sinasabi niyang magsalita lang si Arnold at aminin ito, wala na siyang sasabihin pa at tapos na ang isyung ito. Kailangan lang daw lumabas ang buong katotohanan.
Kevin, Cum Laude sana sa pangalawang kurso
Kapuri-puri ang ginawa ng Kapuso actor na si Kevin Santos na sa gitna ng pandemya ay nakapagtapos siya ng kursong AB Political Science sa Arellano University, kahit graduate na rin siya ng kursong Aviation sa Flightline Aviation School sa Bulacan.
Noong nabakante sa trabaho si Kevin, hindi siya nagsayang ng oras, nag-aral siya at natapos niya ang pagiging piloto.
Tapos na raw siya sa pagpapalipad ng private plane, at may lisensya na raw siya roon. Tatapusin na rin sana niya ang sa commercial plane at magkakaroon na sana siya ng license dito, pero hindi natuloy dahil inabot na ng pandemic.
Nag-aral din siya ng AB Political Science sa Arellano University na kung saan nakakuha siya ng General Weighted Average na 1.68.
Hanggang 1.75 daw ang GWA mo, puwede ka nang mapabilang sa Cum Laude pero hindi niya ito nakuha dahil wala silang graduation.
Iyon daw ang pinanghihinayangan niya dahil hindi niya na-experience ang magmartsa at kunin ang diploma at sana pati Latin honors kung mapasama nga siya sa talaan ng mga Cum Laude.
“Nagkaroon kasi siya ng pandemic na kahit graduation rites namin na-cancel.
“Kumbaga, kaming magkaklase…iyon ang hinihintay namin eh. Ang makapag-martsa, abutan ka ng diploma sa stage, at meron ka pang bonus na Latin honors.
“Iyon ‘yung ang pinakamasarap na mapi-feel mo after so many years na pag-aaral mo, para matapos lang itong kursong ito para makakuha ka ng diploma.
Ang talagang nag-guide pala kay Kevin na tapusin ang pagkapiloto ay ang asawa ni Yasmien Kurdi na si Rey Soldevilla na piloto na sa Cebu Pacific.
Si Yasmien na graduate din sa Arellano ang nagkumbinsi sa aktor na mag-aral at tapusin ang kursong AB Politicial Science sa naturang unibersidad.