Alden at Jasmine, sabay magiging busy
Love in the Balcony ang title ng first mini-series ng 4-part series na I Can See You ng GMA Network. Sina Alden Richards, Pancho Magno at Jasmine Curtis-Smith ang bibida sa serye na magsisimula nang mag-taping ngayong patapos na ang quarantine nila after ng swab test ng cast at ng buong production staff last August 19.
Mayroon na silang permit to shoot mula sa Local Government Unit na nakasasakop sa kanilang location. Pull-out nila sa Thursday, August 27, at magtatapos sila ng August 30.
Bale dalawa ang shows ni Alden, na parehong ipalalabas sa September 2020, ang natapos na niyang i-tape na LockDown Food Diaries at ito ngang Love in the Balcony pero wala pa silang exact date ng airing.
Malamang after ng taping ni Alden, balik-Eat Bulaga na siya. During his quarantine, nakapag-Zoom online pa siya sa All-Out Sundays at sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday.
Kung busy si Alden sa work, mukhang ganundin si Jasmine. At pinaghandaan ng actress ang back-to-work niya dahil sa latest Instagram post niya, mukhang katatapos lamang niyang mag-work out at ang caption lamang niya ‘Sunday sweat!’ Kita ang abs ni Jasmine kaya kahit ang kanyang Ate Anne Curtis ay pinuri siya “ABA naman. YAN ang AYUN OH!”
Diretso kasi ang taping ni Jasmine. Una nga niyang gagawin ang mini-series na Love in the Balcony na second team-up nila ni Alden after Imagine You & Me movie nila in 2016.
May one day rest lamang si Jasmine dahil pull-out na siya ng taping sa August 31 para sa balik-taping na rin ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun (DOTS) na kasama niya sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino at marami pang iba under director Dominic Zapata.
Tatagal ng 10 days ang taping nila ng DOTS pero may rest day naman sila, hindi nga lamang sila pwedeng lumabas ng set, hangga’t hindi sila natatapos ng taping.
Ang DOTS ay magkakaroon muna ng recap bago ipalabas ang fresh episodes na gagawin nila.
- Latest