^

Pang Movies

Angel, pinagdasal ang nanirang blogger!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel, pinagdasal ang nanirang blogger!
Angel

Good example si Angel Locsin. May isang blogger na sinasabi nilang walang ginawa kundi pintasan ang lahat ng sinasabi at ginagawa ni Angel. Nagkataon naman na ang nasabing blogger ay tinamaan daw ng COVID-19. Hindi sinabi ni Angel kung sino siya.

Pero alam ng kanyang fans kung sino ang blogger na naninira sa kanya. Nang mabalita raw na nagkaroon iyon ng COVID-19, inulan pa iyon ng mga kritisismo mula sa fans ni Angel, na mukhang natuwa dahil nagkasakit siya.

Ito namang si Angel, kahit na sinasabing sinisiraan siya ng blogger, mabilis na nag-post ng message para sa kanyang fans na hindi tama ang kanilang ginagawa. Sa halip, sinabi pa ni Angel na ipinagdarasal niyang gumaling agad ang blogger.

Iyong iba riyan, lalo na sa pulitika, aba kumukuha pa ng mga sikat na blogger. Binabayaran nila ang mga iyon para siraan ang kanilang mga kalaban.

Pero si Angel, nagpakita siya ng tamang attitude, at sa halip na ikatuwa ang nangyari sa naninira sa kanya, ipinagdasal pa niya ang kalusugan noon. Ganyan naman dapat ang ugali ng mga tao. Masama ang naghahangad tayo ng masama sa ating kapwa.

Iyong mga naghahangad ng masama sa kanilang kapwa, kahit na anong pagtatakip pa nila sa masama nilang motibo, dumaranas din sila ng karma.

Tingnan ninyo ang isang celebrity na dati ay sikat. Basta may kumontra sa kanya, talagang sisiraan niya sa harapan man o talikuran. Tingnan ninyo ang karma, hindi na makabangon ngayon ang kanyang career. Lahat ng proyekto niya hindi natutuloy.

Kasi ang isang tao, kung may masamang intensiyon, babalik at babalik din iyan sa iyo, nang mas matindi pa. Iyan ang tinatawag na karma.

Clint may ibang sinasamba!

Nag-post ang bilyonaryong Thai transgender na si Anne JKN ng pictures nila ni Clint Bondad habang siya ay naliligo sa isang bath tub.

Maganda naman ang picture, huwag lang lalagyan ng malisya. Sinasabi naman ng transgender na hindi niya boyfriend si Clint, bagama’t iyon ay nakatira sa kanyang tahanan sa Thailand ng ilang buwan na.

Pero dahil sa nakikitang pictures nila na inilalabas din naman nila sa social media, may mga malisyosong iba na ang iniisip. Ang isa pang nakakatakot na posts ni Clint ay iyong kaugnay ng “devil worship” na aywan kung totoo subalit sinasabi niyang pinaniniwalaan niya ngayon.

Ang mga ganyang post, kailangan na nga lang sigurong iwasan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with