Nasaan na ang mga naiwang milyones?
Noon pa namin narinig sa ilang Amalians na nalulungkot sila dahil hindi pa tapos ang puntod ng kanilang idol na si Ms. Amalia Fuentes.
Birthday kasi ni Nena sa August 27 at nakakalungkot malamang napabayaang gawin ang puntod ng milyonaryang aktres.
Naisip nga nila, ano raw kaya’t mag-share silang Amalians para maipaayos ang puntod ng idol nila.
Come to think of it, para raw nakakahiya naman kung ganun nga ang nangyari sa puntod ng mahusay na aktres. Balita pa namang milyones ang naiwanan ng showbiz icon at mabuti na lang nalaman nilang ang utol ni Nena na si Alex Muhlach ang nagpagawa at nagpaayos sa grave nito. P186K daw ang inabot nito pero hindi pa ito tapos.
Teka nasaan na kaya ang naiwang mga pera ni Amalia at hindi maipatapos ang kanyang puntod?
Nauna nang sumakabilang buhay ang nag-iisang anak ni Nena na si Liezel.
Jericho, pumayag maging basurero
Nag-umpisa na ang showing ng short film ni Jericho Rosales sa Cinemalaya sa direksyon ni Eileen Cabiling, ang Basurero.
Hindi ma-imagine ng fans na ang isang lalakeng kasing pogi ni Echo ay gaganap na basurero.
Remember, naging dating Mr. Pogi si Echo sa Eat Bulaga noon.
Pero sa kuwento ng actor sa panahong ito ng COVID, hindi kailangang mamili ng role dahil ang mahalaga ay may project kang gagawin.
Isang award winning actor din si Echo at kahanga-hanga ang attitude niya sa pagtanggap ng isang role na hindi niya karaniwang ginagampanan sa mainstream movies.
Mother Lily, naging buhay ng movie industry
Ngayong araw ang birthday ng Mother of Philippine Movies na si Mother Lily Monteverde.
Si Mother Lily ang bumuhay sa dying movie industry noong araw. Inumpisahan nila sa mga critically acclaimed hanggang naging pito-pito at iba pang pelikula na pinupuri ng mga kritiko.
Ang masakit kay Mother Lily ay ang karanasan noong ganapin ang Metro Manila Film Festival (MMFF) na hindi pinayagang isali ang pelikula ng kanyang kumpanya. Kung tutuusin, kung hindi kay Mother Lily, walang MMFF dahil walang gumagawa halos ng mga pelikula noon.
Well, that’s showbiz life. Hindi uso ang gratefulness.
Anyway, andiyan lang si karma at handa silang atakihin.
Happy birthday, Mother Lily.