Nadurog ang puso ng lawyer-producer-director na si Atty. Joji Alonso nang makita ang isang post sa social media tungkol sa teachers sa Oriental Mindoro na bina-barter ang tanim na halaman upang ipagpalit sa school supplies.
Sa screenshot ng post, pinangunahan ng school principal ng Campaasan Elementary School na si Lucy Ferranco ang launching ng program nilang Halaman Ko, Barter Mo para sa school supplies ng kanilang mag-aaral.
Agad nakipag-ugnayan si Atty. Joji sa principal upang tugunan ang pangangailangan. Bukod sa kanyang donation, hihingan din niya ng tulong ang mga kaibigan.
Ibinigay naman ng principal ang details ng kanyang bank account at ipapakita ang resibo ng bibilhing school supplies.
Naka-post sa Facebook page ng Quantum Films’ Executive Producer ang panawagan at puwede ring ipadaan sa kanya ang tulong.