Pinalagan ni @angpoetnyo Joey de Leon ng Eat Bulaga ang post na “Mga magandang nagawa ng virus, luminis ang hangin, nakumpleto ang Pamilya, at nalaman mong walang kwenta ang binoto mo.” Bantay Pilipinas. Kaya mabilis na sumagot at nag-post siya ng “ItsAPeyk!” at “Ito Ang TOTOO!”
“Hindi ko ito sinabi! Ayoko lang na ginagamit ang litrato ko at maglalagay ng mga salita na kunyari nanggaling sa akin! Totoong may mga mabuting dinulot ang virus... pero mas hihilingin ko na magdasal tayo para sa kaligtasan ng bawat isa, at ng buong mundo...higit sa lahat hanapin at gamitin ang kabutihang itinanim ng Diyos sa puso ng bawat isa sa atin” – Joey de Leon.
Nasa bahay lamang at paminsan-minsan lamang mag-Zoom app si Joey sa Eat Bulaga, at tahimik lamang siyang nagpi-paint sa kanyang studio sa bahay nila, at araw-araw may mga ipino-post siyang bagong paintings na most of them, tungkol kay Jesus Christ. At every Sunday, may column siya sa Philippine Star.
Janine, dismayado
Natuwa si Kapuso star Janine Gutierrez nang matanggap ang balitang pasok ang pelikula niyang Babae at Baril sa New York Asian Film Festival (NYAFF) na magsisimula sa August 28.
Pero bigo naman siya na makaka-attend ng festival.
“Medyo bittersweet kasi I was really looking forward to going to the festival,” himutok ni Janine.
Bago ang NYAFF, ang Babae at Baril ang isa sa mga pinag-usapang entry sa QCinema International Film Festival in Quezon City noong November 2019 na si Janine ang nanalong Best Actress.
May English subtitle na The Girl And The Gun, ang Babae at Baril ay magiging opening film sa New York Asian Film Festival 2020 at may live streaming ito sa Smart Cinema USA app sa August 28. Ang festival ay tatagal hanggang September 12, 2020.