Kapuso Bossing nagsalita sa paglipat ni Sarah sa GMA!

Sarah Geronimo

Nabasa namin ang pahayag ni Annette Gozon-Valdes sa isyung muling bibilhin ng GMA Network ng Philippine Deposit Receipts o PDRs na binili o hawak ng non-Filipinos. Nasulat na ‘GMA Network  Inc., said it would purchase and acquire Philippine Deposit Receipts held by non-Filipinos to protect investments after lawmakers adopted a working group’s recommendation denying the franchise of rival ABS-CBN’s franchise in July.”

May mga nag-comment kasi na natakot daw ang GMA Network na matulad sila sa ABS-CBN. Kaya inunahan na at binili ang PDRs. Sabi ni Ms. Annette, “Offer lang ito to buy from non-Filipinos who own pdr’s. Just in case they want to sell if they think that there is a risk in the future that these pdr.s may be definitely declared illegal. And yes, insignificant ang percentage ownership ng non-Filipinos over GMA pdr’s.”

Si Ms. Annette rin pala ang sumagot sa kumalat na isyu na lilipat sa GMA Network si Sarah Geronimo. Itinanggi ‘yun ni Ms. Annette sa sagot na “Hindi yata” at sinundan ng “But who wouldn’t want to have Sarah right? Hehe. Sana, in the future.”

Nagsimula ang isyung paglipat daw ni Sarah sa Kapuso Network dahil sa post ng Twitter parody account ng isa sa headwriter ng network na si Suzette Doctolero na siniguro ang paglipat ni Sarah sa GMA-7. Kahit itinanggi at nilinaw ni Suzette na hindi siya ang nag-tweet, marami pa rin ang naniwala at kumalat na nga ang isyu.

Pero, iyon nga, fake news ang kumalat dahil ang Viva Artists Agency pa rin ang magdedesisyon kung lilipat man si Sarah dahil may management contract ang singer-actress sa kanila.

Angel, kinilala sa kawanggawa

Gaya sa nauna nang nasulat, presidential appointee ni President Rodrigo Duterte  si Patricia Co Keng at anak siya ni Wilfredo Keng, ang nagdemanda ng cyber libel kay Maria Ressa. Kaya, may nagtanong kung wala raw bang conflict of interest lalo na kay Angel Locsin dahil kritiko siya ng gobyerno at ang bagong manager nila ng fiance niyang si Neil Arce ay nagtatrabaho sa gobyerno.

Siguro naman, pinag-isipang mabuti nina Angel at Neil bago sila pumirma ng kontrata sa CoStar Talent Management and for sure, alam nila ang tungkol dito. Sabi naman ni Patricia sa isang video, “the people I work with are like family to me” at isa sa nag-comment by posting heart emojis ay si Angel.

Speaking of Angel,  tumanggap siya ng plaque mula sa Rotary Club of Quezon Avenue Central and Top Justice of The Philippines Foundation ng pagiging Outstanding Outreach Program of the Year. Dahil siguro ito sa mga charity work na kanyang ginagawa. Nagpasalamat si Angel sa mga nagbigay sa kanya ng karangalan.

Mel, binati ni Jay

Para sa lahat ang hiling/dasal ni Ms. Mel Tiangco sa kanyang kaarawan noong August 10. Heto ang dasal/hiling ni Ms. Mel: “Please perform a miracle for all of us. Please perform a miracle for all of the whole world. Tanggalin N’yo nap o ang COVID.”

Sixty five years old na si Ms. Mel sa katatapos niyang kaarawan at mukhang wala pa siyang balak mag-retiro dahil napapanood pa rin siya gabi-gabi sa 24 Oras at tuloy ang airing ng Magpakailanman. Nagpahinga lang si Ms. Mel nang ilagay sa enhanced community quarantine ang bansa dahil sa COVID-19, pero ngayon, balik na trabaho na uli siya.

Naaliw lang kami dahil may mga kinilig nang mabasa ang birthday greetings ni Jay Sonza kay Ms. Mel.

Dimples at Gladys nag-reunion

Akala namin lumipat na sa GMA-7 si Dimples Romana dahil nakita namin ang picture niya kasama ang mga Kapuso stars na sina Gladys Reyes at David Licauco sa Instagram Page ng Kapuso PR Girl. Iyon pala, guest si Dimples sa second installment ng Wais sa Kwarta na hatid ng Pilipino Star Ngayon.

Pinag-usapan nila kasama si Marissa Romero ng BDO at Chinkee Tan na Wealth Coach at Moderator ang tamang investment. Pare-parehong may negosyo ang mga nabanggit kaya pasok sila sa discussion about business.

Nagpasalamat si Dimples na naimbita siya sa sabi, inspiring session. She was also happy na makasama si Gladys na kapwa niya ABS-CBN talents dati.

Show comments