Marian may importanteng naalala sa kanyang birthday

Nagpasalamat si Kapuso Queen Marian Rivera sa lahat ng mga nakaalala sa kanyang birthday kahapon.

At sa kanyang pagdagdag ng edad, may mahalaga raw itong paalala.

“As I turn another year older, l’m reminded of how the simplest things can mean the most. I’m grateful to be spending this day with my family and my only birthday wish is that all of you are safe and healthy. Let’s continue to pray and help each other. Thank you so much for all your birthday greetings!”

Happy birthday YanYan.

Isa si Marian sa pinakamabait na celebrity.

David at Gladys, maraming investments

Sa edad na 25, marami nang negosyong pinapatakbo ang Kapuso star na si David Licauco.

Mayroon siyang franchise ng fast food chain, gym, logistics company, online food delivery service, at ang kasisimula pa lang na health and wellness online one-stop shop, ang As Nature Intended. 

 “There’s no specific or particular blueprint that you can follow na magsa-succeed agad itong business na ‘to,” paliwag ni David. 

Dagdag pa niya, mahalagang bigyan ng oras at pagtuunan ng pansin ang iyong negosyo upang magtagumpay. “Same naman ‘yan sa kahit saang bagay. I think even in relationships, if you invest your time and effort and your whole self tapos wala naman pala, sasabihin mo pinaasa ka, maba-bad trip ka ‘di ba? Ganu’n lang din naman ‘yung business. Kailangan mo lang din talagang magbigay ng oras para alagaan mo siya in the long run.”

Ang iba pang detalye ng kanyang mga investment at negosyo ay ikukuwento ni David sa isang webminar – Wais sa Kwarta II (Maging matalino! Alamin ang swak na investment para sa ‘yo) na mapapanood, bukas, Friday, 1:00 p.m. sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon.

Aside from David panelist din si Gladys Reyes sa nasabing webminar na isa pang celebrity na nagpaka-wais sa pagha-handle ng kanyang kinikita sa showbiz kaya naman kahit ngayong may pandemya at apektado ang lahat ng negosyo, nakakatulog ng maayos si Gladys dahil tuloy ang mga negosyo nila.

Hindi sila katulad ng ibang nga artista na nang kumita ng medyo malaki-laki na ay inuna ang pagsa-shopping ng mga branded bag and shoes.

Kaya ngayon ay worried dahil nga parang matagal pa bago bumalik sa normal ang lahat.

Oo nga at may mga happening na sa showbiz, virtually, marami pa ring takot na magtrabaho pagkatapos ng modified enhanced community quarantine dahil sa pagrami pa rin ng COVID cases sa bansa kaya maraming kabado na wala pa rin silang kinikita.

Kahapon nga ay 4,444 ang new cases at 143,749 na ang total cases. 

 

Show comments