Natutuwa pero nagugulat si Kapuso actress Jo Berry na dumarami ang kanyang fans, bagong fans, na mula sa Ecuador, a Latin American country. Ito ay dahil napapanood pala ngayon sa naturang bansa ang dalawang teleseryeng ginawa ni Jo sa GMA Network, pagkatapos naipalabas ito sa Pilipinas, at napansin nila ang husay sa pagganap niya sa dalawang magkaibang character.
Bagong launch pala ngayon ang Ecuavisa Channel sa Ecuador at unang ipinalabas ang The Gift nina Alden Richards at Jo, na naka-dub sa Spa-
nish. Pero nauna nang napanood doon ang unang teleserye ni Jo na Onanay na naging very successful kaya naman in-interview si Jo via Zoom sa morning show nila roon na En Contacto.
Marami na ring Kapuso shows ang napapanood ng mga Latino dahil sa patuloy na partnership ng GMA Network sa nasabing region kasama ang Latin Media Corporation.
Ayon kay Jo, ninerbyos siya sa interview sa kanya pero napalagay naman ang loob niya.“Nakakatuwang isipin na kung tayo nga dito sa Pilipinas eh napapa-faney kapag nagiging guest sa local TV shows and mga kinagigiliwan nating bida sa Kdrama o anumang foreign series, ganundin pala ang nararamdaman ng ibang mga lahi kapag mga Pinoy naman ang nagiging guest sa kanila.”
Miguel nag-iba ng hitsura
Ilang araw nang maraming nagtatanong bakit daw iba ang aura ni Kapuso young actor Miguel Tanfelix ngayon, may bago ba siyang sisimulang teleserye kaya nagbago siya ng look niya?
Sinagot naman ito ng GMA Artist Center, na may endorsement shoot si Miguel for H&M, bilang bagong model ng international clothing brand sa ating bansa.
Ipinagpasalamat ni Miguel na napili siya bilang ambassador para sa collection ng graphic tees at hoodies ng nasabing brand, kaya inanunsiyo niya ang good news sa kanyang Instagram, kasama ang ilang photos mula sa campaign at suot niya ang mga pino-promote na outfits.
Gabi-gabi pa rin napapanood si Miguel sa rerun ng Kambal, Karibal nila ni Bianca Umali sa GMA-7 after ng Encantadia.