MANILA, Philippines — Maganda ang naging epekto ng lockdown / quarantine kay Richard Gutierrez. Hindi niya ito tiningnan bilang negatibo (kundi positibo) dahil nagkaroon daw siya ng mas maraming oras para sa kanyang pamilya.
Bukod dito, ayon sa aktor nagkaroon din sila ni Sarah (wife niya) ng chance na tumulong sa frontliners na malaki na ang sakripisyo sa coronavirus pandemic.
Pero umamin siyang nagkaroon din siya ng anxiety since ngayon lang ito nangyari pero dahil sa family, entertainment (tulad ng panonood ng TV), social media, nakatulong ito upang mabawasan ang takot na nararamdaman niya sa mga nangyayari.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Richard sa teleseryeng Ang Probinsyano at puring-puri niya ang bidang si Coco Martin dahil nararamdaman daw ng actor na inalagaan siya at lahat ng kasama nila sa taping.
Bilib din daw siya na mabilis na switch from actor to director ni Coco dahil hulmang-hulma at alam ni Coco ang dapat gawin. “Alam niya yung hinahanap ng mga artista. Ang galing niya as a director at pinaparamdam niya na inaalagaan niya ako. Nung first day ko nga halos nakalimutan na niyang kuhaan sarili niya, puro ako na lang.”
Noon pa siya may offer na makasali sa Ang Probinsyano pero busy siya that time ayon kay Richard sa ginanap na digital media conference kahapon.
Saludo naman siya sa effort ng ABS-CBN na sa kabila ng kawalan nito ng franchise ay tuloy ang mga ibang programa nito.
Bukod sa Kapamilya Channel napapanood din ang Probinsyano sa Kapamilya Online Live at ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (www.facebook.com/ABSCBNnetwork).