^

Pang Movies

Ate Vi ayaw maging presidente ng Pilipinas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Vilma Santos for president 2022.

Natawa kami nang malakas doon. Bagama’t naniniwala kami na may kakayahan si Ate Vi, dahil nakita naman natin ang kanyanghusay sa executive.

Siyam na taon siyang mayor ng Lipa. Siyam na taon din siyang gobernador ng Batangas. Nagawa naman niya nang mahusay ang trabaho niya sa pro­binsiya.

Pero mayroon lang kaming inaalala, una na nga iyong health ni Ate Vi. Ngayon nga nagkakasakit na siya kung minsan dahil sa sobrang trabaho niya noong araw.

Isipin ninyo noon, may mga araw na halos wala siyang tulog, lalo na kung ang pelikulang ginagawa niya ay naghahabol ng playdate sa mga sinehan. Noon kayang-kaya niya dahil bata pa siya, pero kasabihan na nga pagdating ng araw, kahit na anong alaga mo sa katawan mo, may epekto iyan.

Ang ganyan kataas na posisyon, hindi nga siguro pagod ng katawan, pero pagod sa pag-iisip ‘yan. Oo sabihin na nating nariyan naman si Senador Ralph na makakatulong sa kanya, pero hindi naman puwedeng laging ganoon.

Kaya nga kung kami ang tatanungin, parang mas dapat si Senador Ralph ang itulak nilang tumakbong presidente, at sigurado namin magiging masaya at epektibong first lady na lang kung sakali si Ate Vi.

Ang sinasabi namang possible siyang tumakbong Vice President, alam ba ninyong noong nakaraang presidential elections, tatlong presiden­tiable ang nakipag-usap sa kanya para tumakbong vice president nila, at lahat iyon ay tinanggihan ni Ate Vi.

Gobernador pa lang siya ng Batangas may kumukuha na sa kanyang vice president, lahat ng klaseng pag-aalok ginawa na sa kanya, pero ayaw niya.

Ang sinasabi ni Ate Vi, hanggang Batangas na lang siya talaga. Ayaw niya ng kahit na anong mas mataas pang posisyon dahil ayaw niyang mawalan ng panahon para sa kanyang pamilya.

Mayor Goma ayaw na sa showbiz?!

Noong isang araw ay ka-chat namin si Mayor Goma (Richard Gomez). Pero ang pinag-usapan namin ay hindi pelikula, at hindi rin pulitika. Ang pinag-usapan namin ay “bihod”, iyong itlog ng malalaking isda na nagkataon namang siyang ulam namin noong isang araw.

Pero hindi maiiwasan ang showbiz. Nakara­ting na rin pala kay Mayor Goma ang tampo ng kanyang mga fans dahil hindi na nga siya gu­magawa ng pelikula. Hindi na rin siya napapanood sa telebisyon.

Busy nga kasi siya sa kanyang trabaho bilang mayor ng Ormoc.

Pinoy bading serye, gaya-gaya lang

Dahil may nag-click na “BL” o serye ng bading love stories sa Thailand, siyempre gumaya naman ang mga Pilipino. Pero kahit na sabihing may nag-click at pinag-usapan din, ngayon nauumay na rin ang mga bading sa mga ipinalalabas na “bading love stories” sa internet.

Eh kasi sobra ang dami, at wala namang kuwento, wala ring kuwenta. Talagang ang inaasahan lang nila ay iyong suporta ng mga bading at iyong kaisipang kolonyal ng iba na basta nauso sa abroad, susunod.

Hindi naabot ng mga bading love stories ang popularidad ng mga Koreanobela. Hindi naman kasi puro love story ang mga Koreanobela, ang mga naunang sumikat niyan ay historical pa ang tipo.

Iyong mga bading indies, kahit na noong una, hindi rin naman kumita sa mga sinehan.

Mukhang hindi pa handa ang mga Pinoy sa mga ganyang klase ng panoorin.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with