^

Pang Movies

Hindi na bilib sa rapid... taping ng Kapamilya, pinapa-swab na lahat

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve,  nag-COVID-19 swab test na pala ang cast ng Ang sa Iyo ay Akin ng ABS-CBN.

Bale stop taping muna sila at sa September 1 na raw uli sila magla-lock-in.

Ilang weeks din nag-lock-in sa isang hotel sa Quezon City and cast and staff para sa taping ng nasabing series ng Kapamilya Channel (na mapapanood din sa iWant at TFC.tv apps at The Filipino Channel).

Marami na silang advance taping, kaya pahinga muna sila.

By 2:00 p.m. kahapon, nakatanggap ako ng text message sa source ko na nakauwi na rin daw ang iba pang mga artista ng Ang sa Iyo ay Akin dahil lumabas na rin ang swab test results nila.

“ Important kasi ‘yon, requirement, para sure na safe sila. Isa ‘yon sa protocols.

“Swab testing ang ginawa para mas accurate, hindi na rapid testing,” sabi ng kausap ko.

Ang Ang sa Iyo ay Akin ay pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby with the Diamond Star Maricel Soriano.

Marami ring mga artistang nag-lock-in sa kanilang taping, pero ang tsikang narinig ko, may mga artistang hindi na pababalikin kapag nag-resume dahil tinapos na ang mga eksena. Kaya bawas cast na raw kapag nag-resume ang taping sa September.

Nadine at Julia may dapat pagsisihan?!

Last week din pala ay pahinga na rin ang taping ng Walang Hanggang Paalam na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz at iba pa.

Sabi ng isang nakausap ko, natapos na ang mga eksenang kinunan sa may Subic.

Hindi pa sure ang source ko kung saan ang next location ng nasabing series ng ABS-CBN, pero kung kailan daw ang balik-lock-in ng cast sa ­taping, hindi pa rin daw sinasabi.

Parang sa September 7 (kung tama ang tsika) pa naman ang pilot telecast nila sa Kapamilya Channel, so, ok lang naman na umuwi muna ang cast.

In fairness, walang naitsika ang source ko na naging problema sa taping ng Walang Hanggang Paalam dahil pagdating sa health and safety protocols daw ay mahigpit ang Dreamscape na siyang may hawak ng production ng series na ‘yon.

Ang Walang Hanggang Paalam ang dating Burado na dapat ay pagbibidahan nina Julia Montes at Nadine Lustre, pero umatras nga ang dalawa.

Naku, tiyak na aabangan ng fans ang Walang Hanggang Paalam para makita kung gaano kaganda ‘yon at kung dapat panghinayangan nina Julia at Nadine ang pagba-backout nila sa series na ‘yon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with