^

Pang Movies

Mang Dolphy parang si Charlie Chaplin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi kagaya noong araw na nadadaanan namin araw-araw ang monumento ni Mang Dolphy sa Roxas Boulevard, at nakikita namin ang mga dinadalang bulaklak at nakatirik na kandila roon tuwing kanyang birthday o araw ng ka­mata­yan, ngayon hindi namin nakita iyon. Pero may kaibigan kaming nagsabi na may bulaklak naman daw, at may kandila rin, hindi nga lang kagaya noong dati. Kasi naman limitado pa rin ang movements ng mga tao dahil sa quarantine.

Pero nakakatuwang isipin na dahil sa ika-92 birthday ni Mang Dolphy, pinarangalan siya ng Google.

Naroroon pa rin ang parangal sa kanya ng maraming mga tagahanga. Lahat sila ay nagsasabing siya pa rin ang tunay na “comedy king” ng Pilipinas. Kung papaanong si Charlie Chaplin ay kinikilala sa US, ganoon din ang pagpapahalaga kay Mang Dolphy sa Pilipinas.

Nakakalungkot lang, dahil hanggang ngayon, sa kabila ng matinding opinion ng mga taga-industriya ng pelikula, at kahit ng mga karaniwang mamamayan, hindi pa kinokonsidera si Mang Dolphy para maging isang national artist.

Ang usap-usapan tungkol diyan noong araw pa, parang hindi raw nagustuhan ng ibang mga may kinalaman sa gawad na iyan si Mang Dolphy, dahil sa kanyang naging portrayal niya sa character na bakla sa mga pelikula nilang Facifica Falayfay at isa pa. Mula noon hanggang ngayon, wala na ngang usapan.

Ganoon pa man, dahil sa paniniwala ng presidente noon na si Noynoy Aquino na nararapat parangalan si Mang Dolphy, pero hindi nga magawang national artist dahil hindi siya inirerekomenda ng nomination body, binigyan si Mang Dolphy ng Grand Collar Order of the Golden Heart. Isa iyan sa pinakamataas na parangal na maaaring ibigay ng pangulo sa isang sibilyan na may nagawa para sa bayan.

Kung sabagay, siguro nga mas masuwerte pa rin si Mang Dolphy, pinararangalan siya at naaalala hanggang ngayon, hindi gaya ng ibang national artists na nabaon na sa limot.

Opinyon ni Aljur, minasama lang!?

Ano ang masama sa sinabi ni Aljur Abrenica? Ang sinabi niya ay gusto rin naman niyang makakuha ng franchise ang ABS-CBN, pero ayaw niyang makialam nang higit pa roon “dahil ang laban nila ay sa kanila iyon.”

Tama si Aljur eh, hindi naman niya naiintindihan kung ano ang mga problema, bakit naman siya makikialam doon sa hindi niya naiintindihan?

Mukhang mali naman yata iyong mga basta tinalakan na lang si Aljur dahil sa kanyang opinion.

Mga nanonood ng pelikula hindi naiimpluwensiyahan

Dito sa industriya ng pelikulang Pilipino, ang nananaig ay ang kagustuhan ng masa na siyang nanonood ng mga pelikula. Hindi mo puwedeng pilitin ang mga tao na manood ng mga pelikulang ayaw nila.

Kahit na anong ganda sa palagay ng iba ang mga pelikula nila, sorry sila kung ayaw sa kanila ng masa. Hindi puwede ang nagmamarunong dito.

Ang mga sinehan, natural lang na kung hindi kumikita ang mga pelikula mo, aalisin ka nila o kaya ay hindi ka ipapalabas. Malulugi naman sila at ganyan ang nangyari sa Metro Manila Film Festival noong 2016, nang pakialaman ng ibang mga tao ang pamimili ng mga pelikulang isinali sa festival.

Nahakot pa rin ng mga tradisyunal na pelikulang inilabas bago ang festival ang malaking kita, at iyong festival, sa unang pagkakataon ay nangamote nang husto sa takilya. Hindi mo puwedeng pilitin ang mga tao kung ano ang gusto nilang panoorin eh. Kailan ba iyan matatanggap ng mga nagmamarunong diyan?

DOLPHY QUIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with