^

Pang Movies

Aljur, hindi na nga raw magaling hindi pa ‘mabuti’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aljur, hindi na nga raw magaling hindi pa âmabutiâ
Aljur

“Hindi ka na nga magaling. Sana naging mabuti ka na lang,” ang banat ni Ms. Keiko Aquino, ABS-CBN head writer sa statement ni Aljur Abrenica nang tanungin siya sa problema ng franchise ng kanilang network, sa Mamasapano movie Zoom presscon last Friday.

Ang sagot kasi ni Aljur na dating Kapuso at mister ni Kylie Padilla nang tanungin siya kung bakit nanahimik at hindi nagsasalita sa pinag-uusapang pagbabasura ng franchise ng giant network : “Hindi naman sa hindi ako vocal. Actually, pro-franchise po ako. Siyempre ABS-CBN is my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin. Pero it’s beyond me. Ibig sabihin, their fight is their fight.”

Matapos mag-transfer ng network si Aljur, from GMA to ABS-CBN, ay marami siyang nagawang project sa Kapamilya network. Pero kahit naman noong nasa GMA 7 siya ay usap-usapan na hindi pang best actor ang kalibre niya sa pag-arte.

Well, malamang may nag-advice kay Aljur na magpaka-safe kasi kung wala baka hindi niya sasabihing laban lang ‘yun ng network. Baka lang naman ha.

NETWORK NI VICE, NABULILYASO ANG LAUNCHING

Nabulilyaso ang launching ng Vice Ganda Network the other night. “Di kineri ng website ang powers n’yo! Ayun nag-Crash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #TheViceGandaNetworkLaunch,” ang unang tweet ni Vice.

Dagdag pa niya “Super thanks kay Angel at Bea also!!! Pasensya na mga zizzzdt ha! Love u! Sayang pinaghandaan ko pa naman ng pangmalakasang blush on to si Andrea At Francine!!! heheh!!! Super thanks sa Gold Squad ha for ur patience. Bawi si meme next time.”

Kung maraming na-excite may iba namang naghihimutok na ang bilis naman daw naka-move on ni Vice sa pagsasara sa kawalan ng franchise ng ABS-CBN.

Pero katuwiran nga ni Vice ay gusto niyang matulungan ang maraming nawalan ng trabahong Kapamilya employees at ang maraming stand-up comedians na diumano’y nakakaranas ng depression dahil sa kawalan ng trabaho sa kasalukuyan dahil sa kasalukuyang health crisis.

ABS-CBN

ALJUR ABRENICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with