Mayroon palang nominations sa Awit Awards sina Rita Daniela at Ken Chan. Tuwang-tuwa ang dalawa kasi nga live na every Sunday ang All-Out Sundays ng GMA 7, kaya naman ang fans nila ay napapanood na naman ang dalawa na feeling proud nga sa three nominations na nakuha nila sa Awit Awards.
Sana nga manalo sina Ken at Rita dahil talaga namang focus sila sa career at very professional.
National anthem, may kurot sa puso
Alam mo, Salve, ewan ko pero hindi ba basta narinig natin ang National Anthem natin, ang Lupang Hinirang, parang mayroon kang lump sa throat?
Parang mayroong kurot sa puso?
Pero tingnan mo rin, kahit anong anthem ang marinig mo, kahit Star-Spangled Banner, o ‘yung national anthem ng Korea, China, o anumang bansa ganoon din ang tama sa iyo.
Siguro nga, ang mga national anthem ay isinulat at ginawa with so much fervor, so much patriotism,
so much love for the country kaya ganoon ang tama sa puso.
I cannot imagine a person na hindi makakadama ng pride pag tinutugtog ang national anthem ng bayan niya.
Kahit paano, you feel that tie to your homeland. Nakakahiya nga na hindi ko na memorized ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan. Pero one favorite song ko ay ‘yung Bayan Ko.
Pag sa abroad ko naririnig iyan, naho-homesick agad ako, gusto kong umuwi agad-agad.
Iba talaga ang sarili mong bayan, kahit ano pang sabihin, Pilipinas pa rin ako. This is my home, forever.