^

Pang Movies

Kris nakikiramdam pa sa naudlot na show

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris nakikiramdam pa sa naudlot na show
Kris

Tahimik man sa ngayon si Kris Aquino tungkol sa naudlot niyang show, ramdam mo na marami pa rin ang naghihintay kung ano na talaga ang magiging outcome nito.

Sana nga totoo ang narinig ko na baka isabay ito sa launching ng mga bagong show na nagti-taping na para sa TV5.

Sabay-sabay daw ang balak na launching para mas malakas ang dating.

Kung totoo ito, hindi na magtatagal ang paghihintay ng fans ni Kris  dahil mukhang in a month’s time, magkakaroon na ng launching ang bagong TV5.

Mas mabuti namang tahimik si Kris, mas exciting at dramatic ang paghihintay ng lahat. At to be honest, marami naman talagang interesado sa galaw ni Kris hanggang ngayon, hot property pa rin siya talaga.

DJ Loonyo pinanindigan ang kuwento

Bongga naman ang Magpakailanman. Unang fresh episode nila, very controversial agad, ‘yung true story ni DJ Loonyo na siyempre sa kanya galing kaya tiyak ng staff ng Magpakailanman na credible, at dahil sa kanya galing ang salaysay kaya ‘yung side niya ang isinadula.

Sa lahat naman, pag may story, may kanya-kanyang side ‘yan.

Ang story teller si DJ Loonyo, so ang side niya siyempre ang gagawin ng Magpakailanman ‘di ba?

Kung paano niya sinabi ang istorya niya, iyon ang gagawin ng production.

Kung ‘yung isang side mayroong reklamo, that’s between DJ Loonyo and ‘yung babae na may complaint sa kanya.

Basta ang Magpakailanman ay stick sila sa side ng nagbigay sa kanila ng story, and to be fair, pinanindigan ni DJ Loonyo na tama ang version ng istorya niya.

Ang ganda pa naman ng acting ni Jak Roberto, very convincing as DJ Loonyo.

Bongga talaga ang show ni Mel Tiangco, madami ang nanood kaya siguro very intriguing. Congrats.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with