Tuloy ang Metro Manila Film Festival 2020.
Naglabas na ang executive committee ng first four official entries (script category).
At ang apat na napili ay ang The Exorcism of My Siszums starring Toni and Alex Gonzaga (comedy horror) under TinCan Productions na director and scriptwriter ay si Fifth Solomon.
Second entry ang Praybeyt Benjamin 3 (comedy) starring Vice Ganda. To be finalized pa raw ang lead actress pero under ABS-CBN Film Productions Inc. and Viva Films.
Pang-third ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan starring Joshua Garcia and Angie Ferro under Regal Films (horror) under the direction of Chito Roño.
Ang fourth entry ay ang Magikland (fantasy adventure) starring Jun Urbano, Migs Cuaderno, Joshua Eugerio, Jamir Sabarte and Dwight Gastos. Lead actress si Bibeth Orteza, Elijah Aleto, Princess Alijah Rabara, Hailey Mendez, among others.
Ang pumanaw na si Peque Gallaga ang original director ng movie pero tinapos ni Christian Acuña under Brighlight Leisure Productions, Inc. (Albee Benitez) and Gallaga Reyes Films.
Sa apat na pelikula, ang Magikland pa lang ang tapos na tapos na.
Ang chika noon ni former Cong. Albee, more than 100 million na ang gastos nila sa pelikula dahil sa heavy computer graphics nito.
Sa nagastos daw nilang P100 million, wala pa raw doon ang budget for distribution, marketing, promo etc. etc. kaya may chance na umabot pa sa P150 million ang kabuuang budget nito.
Computer game na naging totoong pangyayari ang kuwento ng movie na gagawan din nila ng game app. Ang Magikland na rin ang magiging launching promo ng theme park nila sa Negros na Magic Kingdom na simultaneous daw ang magiging launching.
Pero by December kaya ay bukas na ang mga sinehan?
Meron daw dalawang sinehang mag-o-operate oras na MGCQ (Modified General Community Quarantine) pero open air daw. Wala sa loob ng mga mall tulad sa nakasanayan nating lahat.
Speaking of Vice, magkakaroon na ng launch ang itatayo niyang Vice Ganda Network.
Doon umano mapapanood ang gagawing programa ni Vice habang hindi pa nakakapag-operate ang ABS-CBN dahil sa problema sa franchise though nasa It’s Showtime pa rin naman daw ito.
Nauna nang lumabas ang chikang hindi pinatos ng TV5 ang inilatag na offer ng kampo ni Vice na P3 million a month para sa once a week show.