Mga artistang sikat natutong lumuhod at humingi ng awa sa diyos
MANILA, Philippines — Halos milyong masang Pilipino ang nalungkot nang hatulang hindi na makakakuha ng prangkisa ang no. 1 TV network na ABS-CBN. Seventy kongresista ang hindi sumang-ayon na muli itong payagang makakuha ng franchise para makaere. Samantalang may 11 kongresista naman ang sumang-ayon dahil sa pagmamahal sa manonood ng telebisyon.
Aminin man o hindi, nakakatulong ang network lalo na sa panahong ito na kahirapan ang nararanasan ng maraming tao. Mahigit tatlong buwang naka-lockdown ang mga tao sa bahay. Sarado rin ang lahat ng kompanya, hindi ba naman lungkot, dusa at paghihirap ang nararanasan ng sinuman?
Ngayon namang kailangang gumalaw ang ekonomiya, dumami naman ang nagka-COVID kaya hindi pa rin talaga puwedeng maglalalabas.
Gumuho na nga ang ekonomiya ng bansa dahil sa salot na galing sa China kaya malaking tulong sana sa mga mamamayang Pilipino na may napapanood silang mapaglilibangan na walang bayad.
Kaya talagang hindi ko pa rin makuha ang mga pangyayari kung bakit naman hindi pumayag ang 70 tao na ito sa Kongreso? Hindi ba sila nakaramdam man lang ng awa? Ang 70 pulitiko ba na ito ay wala man lang kasambahay na mahilig manood ng telebisyon lalo na pagdating ng gabi?
Hindi ba sila nahahabag sa 11,000 workers ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho?
Nakakatakot nga ang komento na baka sa puntong nagugutom na ang mga taong nawalan ng hanapbuhay ay baka makaisip ng masama.
Mabuti na lamang nariyan sina Congw. Vilma Santos-Recto, Sol Aragones at iba pang may damdaming nadarama para sa kaligayahan ng mga botante nila. Marunong rin silang tumanaw ng utang na loob sa kompanyang minsang nag-aruga sa kanila hindi katulad ng iba.
Nakakalungkot isipin na ang petsang July 10, 2020, dahil sa araw na ito isa-isang lumuhod ang mga tala sa pagkawala ng franchise ng ABS-CBN.
Ang mga artistang tinitingala noon sa kasikatan ngayon ay isa-isang natutong lumuhod at humingi ng awa kay Lord.
Techie nairaos ang birthday
Simple lang ang birthday ni Techie Agbayani na dating Mutya ng Pilipinas (first runner up) at isang sikat na aktres noong araw.
Ngayon ay isa na siyang professor sa isang kolehiyo.
Nalulungkot si Techie sa nangyaring kapalaran ng ABS-CBN. Dati rin siyang nakalabas noong araw sa network.
- Latest