Mukhang maganda ngayon ang mga binabalak na show para sa TV5. ‘Yung mga naririnig kong nagsimula nang mag-taping ‘yung show nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, ‘yung cooking show ni Jessy Mendiola, ang plano na talk show nina Pauleen Luna at Pokwang, at ‘yung pagpapalabas ng old movies ng mga icon.
Maraming good projects na gagawin na magbibigay ingay sa TV5. Ganyan siguro ang dapat unang ginawa ng network noong una pa lang, pinakiramdaman muna ang paligid, bago nag-full blast.
‘Yung inalam muna ang mga nangyayari sa mainstream bago pumasok sa mga kontrata sa mga malalaking artista na parang nasayang lang. Imagine, mayroon kang Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Derek Ramsay at Richard Gomez, pero parang hindi na-utilize at hindi nag-compensate ‘yung malaking budget for them.
Now at least, heto ang mga henyo ng business na sina Tony Tuviera at former Cong. Albee Benitez ang magbibigay buhay sa third player sa TV, ABS CBN, GMA 7 and now TV5. Bongga.
Cong. Alfred, walang pinangakuan
Hindi ko maintindihan ‘yung bashing na tinatanggap ng mga congressman na involved sa issue ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Ok, nag-inhibit si Cong. Alfred Vargas sa kanyang boto, so what’s wrong? Ayaw niya ng Yes dahil mahal niya ang showbiz, ayaw niya rin ng No dahil na-bother siya ng ilang issues, so nag-inhibit siya.
What did he betray? Nangako ba siya kahit kanino kung ano ang iboboto niya? Tinakot ba siya kaya wala siyang piniling panigan? May natanggap ba siya o tinanggihan kaya naging undecided sa kanyang sagot?
Wala at hindi ang sagot sa lahat ng tanong. Hindi siya nangako, kaya walang naganap na betrayal.
Hindi siya naduwag, ayaw lang niyang gawin ang isang bagay na half hearted siya. Ayaw niyang guluhin siya ng konsensiya niya sa pagpili nang hindi buo ang puso at utak niya.
The commitment of Cong. Alfred Vargas ay sa kanyang conscience, hindi kahit kanino o saan. Bashing him, judging him, bullying him will not change kung ano ang nangyari. Sumali man siya sa 11 na pumabor doon, talo pa rin, sumali man siya sa 70, dagdag bilang lang. Tanggapin na nating tapos na ang laban, huwag na nating ipilit pa ang nangyari na hindi na mababago.