^

Pang Movies

Pagbaliktad ng desisyon, malabong isyu

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ay naku si attorney, “nagmamaru...” Maaari raw mabaliktad ang desisyon ng mababang kapulungan ng Kongreso tungkol sa franchise ng ABS-CBN, gamit ang RA 6738, o ang batas na nagtatakda ng “peoples’ initiative.” Pero alam ba ninyo kung papaano ang dapat gawin?

Una, kailangang ipaalam sa mga mamamayan ang issue, at mapapirma ang 10 percent ng mga rehistradong botante sa bawat panig ng Pilipinas. Ang 10 percent na iyon ay kailangang beripikahin ng Comelec kung mga botante nga. Pagkatapos noon, magtatakda ang gobyerno ng isang referendum at itatanong sa mga tao kung gusto nga ba nilang ibalik ang ABS-CBN. Kung manalo sila sa referendum, iyon na iyon.

Sino ang may kakayahang kumuha ng pirma ng 10 porsiyento ng lahat ng mga botante sa bawat distritong political sa buong Pilipinas? Tandaan ninyo, hindi 10 porsiyento ng kabuuang bilang, kundi 10 porsiyento sa bawat political district. Kung mangyari iyan, kailan mabe-verify ng Comelec ang mga pumirma? Tapos referendum, alam ba ninyo kung ilang bilyon ang gastos sa isang referendum? Alam ba ninyo na kailangang itakda ng Kongreso rin ang budget para sa referendum na iyan? At kailan idaraos ang referendum? Baka 2030 na hindi pa tapos iyan. Kaya huwag nang “magmamaru.”

Sa ngayon, ang ABS-CBN ay may dalawang options. Maaari nilang ituloy ang kanilang shows bilang content producers, at mag-blocktime sa ibang istasyon para iyon ay mailagay on the air. Kung hindi naman, maaari nilang ilabas ang kanilang content sa ibang platforms kagaya ng ginagawa nila ngayon, sa cable at sa internet na lamang muna habang wala silang franchise.

Kung iisipin, maaari rin naman silang umapela, at mayroon pa silang hanggang ngayong araw na ito, para iapela ang desisyon ng committee. Pero ang sinasabi nga namin, parang napakahirap umasang mabaliktad ang desisyong 70-11-2-1. Kailangang makumbinsi kasi nila ang 36 na bumaliktad sa kanilang naunang boto para makuha ang mayorya at mabaliktad ang desisyon.

Ate Vi nahiwagaan sa mga umatras

“Hindi ko rin alam kung bakit kami kumunti,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos nang siya ay ma-interview ng ABS-CBN din mismo pagkatapos na ma-block ang franchise application ng network.

Kung iisipin mo, mayroong 14 na panukalang batas na humihinging ma-extend o mabigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN. Dalawa ang umurong sa kanilang panukalang batas, sina Congressman Joseph Paduano ng Abang Lingkod partylist, at si Congressman Ron Salo ng Kabayan partylist. Ano na ang nangyari doon sa isa pa? Bakit naging 11 lang lahat ang pabor?

Nag-abstain si Congresswoman Loren Legarda at Congressman Alfred Vargas, pero bumoto man sila nang pabor, wala rin namang silbi iyon.

Mukha ngang malaking bagay para sa maraming congressmen ang mga naglabasang akusasyon sa 13 hearing na isinagawa ng mga komite ng mababang kapulungan. Maging iyong mga nagsabi noong una na boboto sila para maisulong ang isang bagong franchise, umurong. Maging kami nga ay nagulat. Alam naming tagilid ang laban pero hindi namin naisip na sa committee level pa lang ay mamamatay na ang paghingi ng franchise. Ang buong akala namin ay makakarating pa sa plenaryo.

May mga insider pang nagsabi, marami raw kasing congressmen ang nainis sa tila pananakot pa sa kanila ng mga supporter ng ABS-CBN sa social media. Identified naman ang marami sa mga iyon ay mga “tauhan” nga ng network.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with