Pinakamalungkot na araw kahapon, June 10 para sa lahat ng Kapamilya stars, employees at mamamayang umaasa’t nagdadasal na mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Nagtapos na ang botohan kahapon sa House Committee on Legislative Franchises at nanalo ang hindi pabor na bigyan ng bagong franchise ang network.
The moment na natapos ang botohan at lumabas ang resulta ay bumuhos na sa social media ang lungkot at galit ng mga tao sa nangyari, lalo na nga ang mga Kapamilya stars.
Isa sa mga una naming nakita ang post ni Bea Alonzo She wrote, “tapos na ang botohan. Nakakatulala. Parang panaginip. Yakap mga kapamilya.”
Ang sakit din sa puso ng post ni Angeline Quinto. Aniya, “sa lahat ng Kapamilya sa buong mundo, hindi natin kakalimutan ang araw na ito. Napakasakit ng ginawa n’yo sa pangalawang tahanan namin. Sa mga katrabaho ko. Napakarami niyong sinaktan! Napakarami niyong inulila. Nasaan ang puso n’yo?”
Si Martin Nievera naman ay nag-post ng art card na nagsasaad ng “wow it’s so obvious. Congress, you think you punished a network when actually you crippled a nation” at may hashtag na #soobvious.
Post naman ni Anne Curtis, “I am lost for words. My heart breaks for everyone that is affected by this.... from our bosses to all the employees and the loyal viewers of ABSCBN.... It is indeed a very sad day. I know people won’t forget this... Maraming Salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal. I stay hopeful that somehow this isn’t the end... A big hug to my Kapamilya Family.”
Nakapagmura naman si Ria Atayde sa kanyang tweet. “Nakakaputang Ina,” tweet niya.
Tweet ni Paulo Avelino, “no words just SADNESS.”
Isa rin si Angel Locsin sa mga unang-unang nag-post kahapon matapos ang botohan. “Tapos na po ang botohan. Kami po ay tulala at hindi alam kung anong gagawin. Gusto ko lang pong magpasalamat sa ilang taong pagtanggap nyo po sa amin sa inyong mga tahanan.”
Tweet naman ni Maja Salvador, “sa 70 plus na ayaw i-renew ang ABSCBN... bakit po? bakit?”
Maging ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay nag-post din ng pakikisimpatiya sa mga Kapamilya.
“Isang mahigpit na yakap para sa lahat ng Kapamilya,” tweet ni Jen.
Tweet naman ni Kim Chiu, “wala namang violations na nilabag, nangako naman na aayusin ang mali, para saan pa at nag HEARING??? Para saan yun? Para magpahiya? sorry for my words pero sobrang grabe lang po talaga ang nangyari.”
Pahayag naman ni Liza Soberano sa kanyang Twitter account, “To all the employees who are greatly affected by this. I’m sorry. I’m sorry they aren’t sorry.”
Si Jake Cuenca naman ay nagpasalamat sa mga bumoto para mabigyan ng franchise ang network at inisa –isa niya ang mga ito’t kabilang dito si Cong Vilma Santos.
“The 11 who voted for the 11,000 employees of abs cbn. Maraming salamat po sa inyo, ang tweet ni Jake.
Martin at Gary matindi ang naging away noon
Ini-reveal nina Concert King Martin Nievera and Mr. Pure Energy Gary Valenciano na nagkaroon pala sila ng matinding away noong mga binata pa sila at hindi nag-usap for a while.
Sa online show ni Jaya na Straight Talk ay guests ang dalawang magkaibigang music icon at ikinuwento nila kung bakit sila nag-away noon.
Ayon kay Martin, akala raw kasi ni Gary ay siya ang nagkalat ng balitang buntis ang noo’y girlfriend nitong si Angeli Pangilinan.
Pagbabalik-tanaw naman ni Gary, “when I entered the industry kasi, soon after I entered, my girlfriend got pregnant” and added, “but wait, hold on, hold on, but my girlfriend ended up being my wife.”
Nang mabalita raw sa news na buntis si Angeli, inamin naman ni Gary na talagang inakala niyang si Martin talaga ang nagkalat.
“Because I knew everything,” sey naman ni Martin. Pero sumusumpa siya na hindi raw talaga siya ang nag-leak sa mga reporter at ipinaliwanag daw niya ito kay Gary.
Sey naman ni Gary, talagang for a while ay hindi sila nag-usap ni Martin because of that.
Naitanong din sa dalawa kung naghahangad ba silang pumasok sa pulitika and both of them answered “no.” Ayon kay Martin ay wala raw silang malaking pera para diyan.