Frankie at kanyang lolo tito, magkabilang-dulo ang reaction sa Anti-Terror Law
Kontrang-kontra ang reaction ng mag-lolong sina Senate President Tito Sotto and Frankie Pangilinan, anak nina Sharon and Sen. Kiko Pangilinan sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa Anti-Terror bill.
Pahayag ni Frankie : “God help us.”
Habang si Sen. Tito ay nagpahayag ng kasiyahan dito.
“ I am glad the President has sifted through the rubble and saw the importance of the law!,” ani ng mister ng second mom ni Sharon na tita Helen Gamboa.
Si Sen. Sotto ang principal author ng anti-terrorism bill Michael V., faithful kay Iron Man
Super avid fan ng Marvel Cinematic Universe ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. Madalas din niyang sabihin na ang paborito niyang superhero ay si Iron Man. Pero sa latest vlog nito, naikuwento niya na noon daw ay hindi siya gaanong fan ni Tony Stark, “Originally, hindi ako fan ni Iron Man. Hindi ko kino-collect ‘yung comic book niya kaya konting-konti lang ang alam ko sa history niya. Naging fan lang ako nung nag-simula ‘yung Marvel Cinematic Universe at bago pa lumabas ‘yung Iron Man na movie na parang alam ko na maghi-hit.”
Dagdag ng Bubble Gang at Pepito Manaloto star, nagandahan siya sa ginawang adjustment sa character flaw ni Tony Stark sa movie, “Kumbaga, kung ikaw si RDJ, parang ang dami mong paghuhugutan. At saka bukod doon, magaling talaga siyang artista. But it turns out, hindi ‘yung pagiging lasenggo ang ginawang character flaw niya sa movie. Ginawa nilang mas napapanahon at mas makabuluhan.”
- Latest